NAGSAWA na rin ang managment ng TNT Tropang Giga kay Ray Parks Jr. Bahala na umano si Parks sa kanyang sarili. Maghanap na ito ng team na lilipatan niya. Kaya ngayon ay humihingi siya ng tulong sa kampo ni Mr. Ramon S. Ang para makapaglaro sa isa sa mga team ng SMC.
Si Parks ay naging player din ng SMC sa Alab Pilipinas at naging parte siya ng kampeonato sa panahon ni coach Jimmy Alapag. Alam naman natin kung gaano kahusay ang player kaya nagmamalaki ito.
‘Yun nga lang, mahirap maging masyadong mataas dahil ang resulta ay palpak. Kahit pa gaano kahusay ang isang player kung may attitude problem ito ay delikado. Tulad ng nangyayari kay Parks ngayon na tila pinagkakaisahan na siya ng mga team. Kailangan kasing maging professional para magkaroon ng respetuhan sa isa’t isa ang mga player at sa management.
Ang masama pa nito ay posibleng makialam na rin ang Game and Amusement Board at bawian ng playing license si Parks dahil sa ugali nito. Gawin din kaya nito ang ginawa kay Calvin Abueva na pina-attend ng mga seminar dahil sa naging ugali ng player? Abangan.
Kawawa rin naman itong si Kelly Nabong ng NorthPort Batang Pier. Ang mga kaguluhang kinasangkutan niya ay naging bahid sa kanyang basketball career. Hindi masama ang ugali nito off the court, sa gitna ng hardcourt lang naman siya bad boy. Pero sa personal ay mabait siya.
Hindi na siya umaasa na mare-renew pa ang kanyang kontrata sa Batang Pier dahil na rin ayaw na sa kanya ng management lalo na’t naapektuhan ang pagpasok sa quarterfinals ng team noon sa PBA bubble game, ganoon din si Christian Standhardinger na nawalan ng ganang maglaro dahil sa Fil-Am player.
May chance kaya siyang makapaglaro sa ibang liga? Sana naman ay bigyan siya ng pagkakataon na makapaglaro pa. Bibihira na rin naman sa mga player ngayon ang handang makipagpalitan ng mukha.
Sa totoo lang, ang ilang players ay iniingatan ang kanilang mga sarili lalo na ang kanilang kaguwapuhan.
556132 661743hi!,I like your writing so significantly! share we keep up a correspondence extra approximately your post on AOL? I call for a specialist on this space to solve my problem. May possibly be that is you! Seeking ahead to peer you. 1106
438802 132123This web-site is really a walk-through rather than the info you desired concerning this and didnt know who to inquire about. Glimpse here, and youll definitely discover it. 736967
651495 889310Read more on that Post.Helpful info. 611586