LIMANG players, sa pangunguna nina Stanley Pringle ng Ginebra at Ray Parks ng TNT, ang nasa kontensiyon para sa Best Player of the Conference award matapos ang PBA Philippine Cup sa loob ng ‘bubble’ sa Clark, Pampanga.
Pinangunahan ni Pringle ang Barangay Ginebra sa unang all-Filipino championship sa nakalipas na 13 taon, habang si Parks ang top player sa statistical points standings.
Lumalaban din para sa top individual award sina Phoenix Super LPG’s Calvin Abueva at Matthew Wright, Roger Pogoy ng TNT, at CJ Perez ng TerraFirma.
Si Abueva ay tumapos sa ikalawang puwesto sa likod ni Parks sa stats race, sumusunod sina Perez, Wright at Pogoy.
Ang 33-anyos na si Pringle ay tumapos sa No. 6, subalit lumakas ang kanyang tsansa para sa award nang maging top player ng Ginebra mula sa eliminations hanggang sa finals.
Ang BPC awardee ay dedesisyunan sa statistical points at boto mula sa mga player, media, at sa Commissioner’s Office. Ang botohan ay nagsimula kahapon at magtatapos sa Enero 11.
Ang mananalo ay iaanunsiyo sa isang virtual awarding ceremony sa Enero 17, na siyang papalit sa annual Leo Awards. Nagpasiya ang liga na kanselahin ang regular awards makaraang paikliin ang nakaraang season dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang iba pang special awards na ipagkakaloob ay ang Outstanding Rookie, Most Improved Player, Samboy Lim Sportsmanship Award, at ang Outstanding/Elite Five.
Naglalaban-laban para sa Outstanding Rookie honors sina Ginebra’s Arvin Tolentino, Meralco’s Aaron Black, TerraFirma’s Roosevelt Adams, Alaska’s Barkley Ebona, at Magnolia’s Aris Dionisio.
Ang mga kandidato para sa Most Improved Player ay sina Phoenix’s Justin Chua and Jason Perkins, Ginebra’s Prince Caperal, Rain or Shine’s Javee Mocon, NLEX’s Raul Soyud, at Meralco’s Reynel Hugnatan.
Samantala, ang Sportsmanship Award ay pinaglalabanan nina Abueva, Perez, Ginebra’s Scottie Thompson, NLEX’s Kevin Alas, at Rain or Shine’s Gabe Norwood.
Papalitan ng Outstanding/Elite Five ang Mythical Five selection ngayong season. Walang Mythical Second Team at All-Defensive Teams.
Comments are closed.