PARKS SA SENIORS, PLAYGROUND SA MGA KABATAAN BINUKSAN

PORMAL na binuksan ng pamahalaang lokal ng Maynila ang isang malawak at magandang parke at playground para sa mga senior citizen at mga bata sa mataong lugar ng Baseco gayundin ang redeveloped Arroceros Urban Forest Park sa Ermita.

Sinabi Manila Mayor Isko Moreno na ang bagong “Base Community Parks and Playground” ay mayroong swings, benches, exercise equipment, benches at mga halamang namumulaklak.

Tiniyak naman ng alkalde na ang kaayusan at kalinisan ng nasabing parke at playground na maaaring ma-enjoy ng mga bata at matatanda kapag puwede na silang lumabas na pangangalagaan ng Department of Public Services (DPS).

Kaya’t nanawagan ang alkalde sa mga residente na gawin ang kanilang bahagi upang mapanatili ang kalinisan ng parke sa lahat ng oras at ipinangako na sa kabila ng pandemya ay gagawa ang pamahalaang lungsod ng paraan upang mapagaan ang buhay ng mga mahihirap.

Samantala, ay binuksan sa publiko ang newly-redeveloped Arroceros Forest Park sa A. Villegas Street malapit sa Manila City Hall sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.

Sinabi ng alkalde na ang parke na kilala bilang“Manila’s last lung,” ay siyang lugar kung saan makikita ang centuries-old na mga puno at nagsisilbing proteksiyon ng lungsod laban sa air pollution at pinagmumulan din ng sariwa at malinis na hangin bilang nangungunang nature park sa lungsod.

Sinabi ni Moreno na ang parke na kanilang pinasinayaan ay upang ma-enjoy ng mga residente ng Maynila para sa kanilang mga outdoor physical activities at para sa kanilang simpleng paglalakad bilang pampalipas oras sa sandaling matapos na ang quarantine at puwede nang lumabas. VERLIN RUIZ

106 thoughts on “PARKS SA SENIORS, PLAYGROUND SA MGA KABATAAN BINUKSAN”

  1. 451400 378972I discovered your weblog site on google and check several of your early posts. Proceed to maintain up the outstanding operate. I just extra up your RSS feed to my MSN News Reader. In search of ahead to studying extra from you in a although! 537596

  2. 675811 495275Hello! I could have sworn Ive been to this weblog before but soon after browsing through some with the post I realized it is new to me. Anyways, Im surely happy I located it and Ill be book-marking and checking back frequently! 506355

Comments are closed.