NASA UP Maroons na si Ricci Rivero pero hindi pa siya makapaglalaro sa 81st UAAP season at isang taon muna siyang uupo sa kampo ng Maroons dahil kailangan niya ng one year residence sa naturang unibersidad. Ang kanyang kapatid na si Prince Charming Rivero ay pumirma naman ng kontrata sa Mandaluyong El Tigre.
Bagama’t nais ng nakatatandang Rivero na makapaglaro pa sa UAAP ay ‘di na rin pupuwede sa kadahilanang isang taon na lang ang natitira niyang playing years sa La Salle. Dahil nagkaroon sila ng problema sa kanilang mother team ay hindi na ito puwe-deng lumipat ng ibang school. Mauubos lang ito sa pagre-residential. Kaya ipagpapatuloy na lamang niya ang pag-aaral sa De La Salle University at maglalaro sa MPBL.
oOo
Tuloy ang paglalaro ni Bobby Ray Parks sa Mandaluyong El Tigre. Kamakailan lang ay pumirma na ito ng kontrata sa bagong saling team sa Maharlika. Kinikilalang Fil-Am player si Parks dahil ang tatay nito ay isang Amerikano. Ngunit sa Pinas ipinanganak ang player kung saan ang nanay nito ay isang Fil-Chinese. Kung dito sa Pinas ipinanganak si Parks, Filipino citizen siya, ‘di ba? Hindi na kailangang kuwestiyunin ito.
Eh, bakit kapag ipinanganak ang isang tao sa America, tinatawag itong American citizen? Ano ang problema kay Ray Parks, dapat ay Filipino citizen siya at hindi Fil-Am. Ang husay-husay ngang magtagalog nito. Hindi natin masisisi si Parks kung bakit ang sama-sama ng loob niya kasi nga ay tunay na Pinoy siya kahit may halong dugong Amerikano.
oOo
Sarado na ang pagtanggap ng application para sa MPBL. May 26 teams na ang liga ni Senator Manny Pacquiao na tentative na magsisimula sa June 12. Almost 11 months umano tatagal ang 2nd conference ng liga. ‘Di ba napakatagal dahil sa daming teams at hahatiin na ito sa dalawang grupo. Dahil tatagal ng 11 months ang liga, maaabutan ito ng pagbubukas ng ABL ngayong November 2018.
Paano ang nagsisipaglaro sa naturang liga, siguradong apektado ang mga player ng ALAB. Ano ang mangyayari sa kanila? Tsika namin, posibleng ipaalam sila sa kani- kanilang team. Kung hindi naman magkaka-conflict, posible rin daw na makapaglaro ang mga player huwag lang magkasabay ang laro ng ALAB at MPBL. Ngunit priority umano ng mga player ng ALAB ang laro nila sa ABL.
Comments are closed.