PARLIAMENTARY-TO-PARLIAMENTARY CHANNELS SOLUSYON SA WEST PHL SEA

HINDI na nakagugulat ang muling pagkumpulan ng mga Chinese maritime militia vessel sa bahagi ng West Philippine Sea, dapat nang mag-isip ng kagyat at epektibong paraan ang mga awtoridad upang maitaboy ang mga ito

Ito ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Isa sa mga hakbang na nakikita ni Lacson bilang solusyon ay ang paggamit ng parliamentary-to-parliamentary channels o pag-uusap ng mga Kongreso ng mga bansang magkakaalyado, upang matiyak ang balance of power sa rehiyon.

“We are not really surprised. In a way, we even anticipated the return of the Chinese vessels because the vessels that were in the area earlier were most likely just surveying. Their job was to scout the land and not yet occupy. Ngayon nagbalikan na,” pahayag ni Lacson, chairman ng Senate committee on national defense.

Sa isa pang pagkakataon, nanawagan din ang mambabatas ng pagkakaisa at pagkakaroon ng isang solidong paninindigan lamang ang mga lider ng bansa.

Base sa ulat ng media, nasa 287 Chinese maritime militia vessels ang namataan sa bahagi ng 200-nautical mile na Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa, kabilang na ang nasasakupan ng bayan ng Kalayaan sa Palawan.

Ang naturang bayan din ang nakakasakop sa Sabina Shoal, nasa 130 milya ang layo sa lungsod ng Puerto Princesa na una nang pinasok ng mga barko ng China.

Bago pa ang pangyayaring ito ay naiulat din na lumapag na sa Kagitingan Reef noong Disyembre 2020 ang pinakamalaking eroplanong pandigma ng China.

Kaya kung magpapatuloy ang bangayan ng mga lider ng bansa sa usapin, hindi umano malayong mangyari na magigising na lamang ang mga Pinoy na may Chinese garrison na sa Sabina Shoal.

“Before we know it one day gigising tayo, may garrison na ang China. Nariyan na sila sa paligid natin, sa karagatan,” ayon kay Lacson.

Habang abala sa bangayan ang mga lider ng mga Pinoy, abala rin ang China sa pagsakop sa mga pag-aari ng Filipinas, dagdag ni Lacson.

“Sa kanila, busy kayo mag-away-away, gagawin namin ang gagawin namin,” banggit ng mambatas.

Puwede umanong subukan ang parliamentary-to-parliamentary channels sa pagitan ng mga bansang kaalyado ng Filipinas upang matigil ang ginagawa ng China dahil marami namang nagpapakita ng kahandaan na tayo ay tulungan.

“Sila, more than willing to pursue their own national interest. International trade ang involved diyan,” ayon pa kay Lacson.LIZA SORIANO

6 thoughts on “PARLIAMENTARY-TO-PARLIAMENTARY CHANNELS SOLUSYON SA WEST PHL SEA”

  1. 248727 114947Ill appropriate away grasp your rss feed as I cant in obtaining your e-mail subscription hyperlink or e-newsletter service. Do youve any? Please let me understand so that I could subscribe. Thanks. 287971

Comments are closed.