PAROL NA GAWA NG MGA PRESO, TANGKILIKIN-BJMP

HINIKAYAT ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang publiko na tangkilikin ang mga gawang parol ng mga Persons Deprived Liberty sa ibat ibang jail facilities.

Ayon kay BJMP chief Jail Director Allan Iral, malaki ang maitutulong ng publiko upang mapasaya ang mga PDL ngayong kapaskuhan dahil may maipangsusuporta ang mga ito sa kanilang mga pamilya.

Aniya, buwan pa lang ng Agosto ay nakagawa na ng mga parol ang PDL sa Negros Occidental District Jail – Male Dormitory.

Gayundin ang mga PDL ng San Juan City Jail – Male Dormitory na nakilala sa kanilang mga gawang makukulay na parol na gawa sa mga kawayan, colored plastic charol, at mga pailaw.

Kabilang din dito ang gawa ng mga PDL sa Pateros Municipal Jail kung saan ang bulto ng kanilang produksyon ay siyang magpapailaw sa mga kalsada ng naturang bayan.

Batay sa mga PDL, malaking tulong para sa mapasaya nila ang kanilang mga pamilya kung marami ang bibili ng mga parol.

Noong nakaraang taon ay naging aktibo rin ang mga PDL sa Pasig Jail facility sa paggawa ng mga parol na yari sa recycled materials at may mga unan din na gawa sa mga basyo o sachet ng mga kape. EVELYN GARCIA