PARTIAL BAN SA OFWs SA KUWAIT AALISIN SA ISANG KONDISYON

labor secretary silvestre bello III-11

KAILANGAN  munang makita ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pruweba na nasampahan na ng kaso ang employer ng nasawing overseas Filipino worker (OFW)  sa Kuwait.

Ito ang kondisyong inilatag ni Bello upang tanggalin ang ipinatupad na partial deployment ban sa nasabing bansa.

Sinabi ni Bello na ang desisyon na ito ng pamahalaan ay upang magpadala ng mensahe sa mga awtoridad sa Kuwait na nais ng pamahalaan na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Pinay domestic helper na si Jeanelyn Villavende.

Kaugnay nito, sinabi pa ng kalihim na sa oras na makapagpakita na ang Kuwait ng pruweba na nasampahan na ng kaso ang employer ng biktima ay posible pang tanggalin ng pamahalaan ang ipinatupad na partial deployment ban.

Dagdag pa ni Bello, posible na ring ilabas ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong darating na linggo ang resulta ng isinagawang re-autopsy sa bangkay ng biktima. DWIZ882