PINAALALAHANAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga restaurant at ibang pang food establishments na magpatupad ng ibayong ingat sa kanilang operasyon sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-1A.
Kasabay na rin ito ng muling pagbubukas ng partial dine-in services sa mga kainan simula kahapon.
Ayon kay DTI Undersecretary Boy Vizmonte, kanilang pinapayuhan ang mga negosyante na mahigpit na ipatupad ang mga itinakdang panuntunan ng ahensiya at pamahalaan para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Sinabi ni Vizmonte na magsasagawa ng random inspection sa mga food establishment ang DTI, Department of Tourism, Department of Labor and Employment at local government units, katuwang ang local health officers.
Una nang inaprubahan ng IATF ang pagbabalik ng 30% na kapasidad ng dine-in services ng mga restaurant at food establishment sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine simula kahapon. DWIZ 882
Comments are closed.