NAKATANGGAP ng ayudang pinansyal ang isang participant na sumali sa isang “business webinar” na ang tanging layunin ay makatulong sa ating mga kababayan na gustong magkaroon ng maliit na negosyo o kaya ay madagdagan pa ang kanilang puhunan sa pagnenegosyo.
Natanggap ni Dax Abat mula sa “Big Heart Investor” na si Engr. Ronald Vizconde, sole proprietor ng Power Access Electrical Services ang halagang 5,000 Pesos na ayudang puhunan na umattend lamang sa Bisyong Pagnenegosyo webinar.
Dahil sa kagustuhan na muling makabangon dulot ng epekto ng Covid-19 pandemic, hindi nag-atubiling sumali sa “business webinar” na Bisyong Pagnenegosyo si Dax Abat at masuwerte naman siyang napili ni Engr. Vizconde para maumpisahan nito ang negosyong pagtitinda ng mga ulam.
Kuwento ni Abat, mayroon silang nabiling water station, subalit, dahil sa hindi siya pamilyar sa mga “technical” ng mga equipment nito, huli na nang malaman niya marami na pala itong sira at kailangan na itong ipaayos lahat.
Dahil malaki ang magagastos nito sa pagpapagawa ng kanilang water station, isinantabi muna ito ni Abat at pagtutuunan muna niya ang pagluluto ng mga ulam. Mayroon naman siyang maliit na puwesto sa Tumana, Marikina at mabibili din ang kaniyang mga ulam online.
Fanzia’s Cuisine ang magiging pangalan ng kanilang negosyo na hango sa pangalan ng kanilang anak.
Nangako naman si Abat na pagbubutihin nitong mapalago ang kanilang negosyo, magiging katuwang ang kaniyang ina na si Remedios Abat, kung saan dito niya namana ang ang pagluluto ng masasarap na ulam.
“We will do our best na mapalago ito. We’ll see to it na maisasaayos ang business na ito. Through God’s grace, pagbubutihin po namin,” pangako ni Dax Abat.
Ayon naman kay Engr. Vizconde, masaya siya na makatulong sa komunidad lalo na sa panahon ngayon.
“Yung malaman ko lang na mag-prosper yung business, malaking bagay na sa akin,” ayon kay Engr. Vizconde, first time big heart investor.
Ang Bisyong Pagnenegosyo ay inorganisa ng BVG Accounting and Business Consultancy at ng foundation nito sa pangunguna ni Dr. Benjamin Ganapin, Jr. na layong makatulong sa ating mga kababayan, nawalan ng trabaho o hanapbuhay, mayroong maliit na kita pero naisn pang madagdagan ang puhunan at para sa mga nais matutong magnegosyo.
Media partner dito ang PILIPINO Mirror – Ang Unang Tabloid sa Negosyo! CRIS GALIT
394618 218155Jane wanted to know though your girl could certain, the cost I just informed her she had to hang about until the young woman seemed to be to old enough. But the truth is, in which does not get your girlfriend to counteract making use of picking out her really own incorrect body art terribly your lady are generally like me. Citty design 962085
41549 988880Hi my loved one! I want to say that this write-up is amazing, great written and consist of almost all vital infos. I would like to peer far more posts like this . 813885
708841 562552Hi! Excellent post! Please do tell us when I will see a follow up! 156060