NAAPEKTUHAN man ang kaniyang negosyo dulot ng Covid-19 pandemic, naging mapamaraan naman ang tampok nating recipient ng “Bisyong Pagnenegosyo” Webinar para patuloy na kumita at makatulong rin sa ibang mangangailangan.
Bago magkaroon ng pandemic, malakas ang negosyo ni Marilyn Corpuz Cortez na school supplies, photo copying (Xerox) at sari-sari store pero bigla itong humina dahil sa mga restriction at takot na makakuha ng Covid-19 ang mga tao – online class na rin ang sistema ng pag-aaral mapa-publiko o pribadong eskwelahan man.
Dahil likas na mapamaraan si Marilyn, naghanap siya ng ibang pagkakakitaan. Sumali siya sa Bisyong Pagnenesyo webinar ng BVG Foundation para madagdagan ang kaniyang kaalaman sa negosyo at isa pa siya sa napiling mabigyan ng pinansyal na ayuda pangdagdag-puhunan.
“Huwag mawawalan ng pag-asa. Tuloy lang ang buhay at magtiyaga dahil hindi naman nakukuha sa isang iglap ang mga gusto natin. Bangon uli!,” payo ni Marilyn sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng pandemya.
Sa ngayon, bukod sa kaniyang tindahan, abala si Marilyn sa pagtitinda ng iba’t ibang pagkain kagaya ng ulam, empanada, pizza roll at marami pang iba.
Kahit apektado rin ng pandemya ang negosyo ng big heart investor ni Marilyn na si Ryan Yago dahil hindi makapag-operate nang maayos ang kaniyang negosyong Tara Guys, It’s Lechon! bunsod na rin ng mga restriction para maiwasan ang pagdami ng kaso ng Covid-19, hindi naging hadlang para tumulong sa mas nangangailangan.
Isa rin sa nais ibahagi ni Ryan kay Marilyn ang kaniyang negosyong unli wings para lalo pang madagdagan ang kita nito.
Sinabi naman ni Ms. Cecyl Aveno, isa sa founder ng BVG Foundation, ang “Bisyong Pagnenegosyo” ay ilan lamang sa kanilang mga proyekto na layong matulungan ang ating mga kababayan na matuto at magkaroon ng sariling negosyo.
Ang Bisyong Pagnenegosyo ay inorganisa ng BVG Accounting and Business Consultancy at BVG Foundation nito sa pangunguna ni Dr. Benjamin Ganapin, Jr. na layong makatulong sa ating mga kababayan, nawalan ng trabaho o hanapbuhay, mayroong maliit na kita pero nais pang madagdagan ang puhunan at para sa mga nais matutong magnegosyo.
Media partner dito ang PILIPINO Mirror – Ang Unang Tabloid sa Negosyo! CRIS GALIT
675961 284077Thank you for sharing with us, I conceive this internet site truly stands out : D. 268675