Participant ng Bisyong Pagnenegosyo Webinar, nakatanggap ng puhunan mula sa “Big Heart Investor” (Bisyong Pagnenegosyo Series) “BUKOD SA MAGANDANG DISENYO, DAPAT NASA TAMANG SANGKAP AT LASA ANG PRODUKTO MO…”

BATA pa lamang ay mahilig na siya sa pag-drawing at gumuhit ng magagandang disenyo kaya noong naisipan niyang mag-bake ng cakes at pastries ay ginamit niya ang talentong ito dahil batid niya, makatutulong ito sa kaniyang negosyo.

Dahil hindi pa sapat ang kaniyang kaalaman sa pagnenegosyo at wala rin siyang sapat na puhunan, sumali si Ninna Rossi Rodolfo sa webinar ng BVG Foundation at mapalad na mapili ng isa sa “big heart investor” na Rotary Club of Cosmopolitan Cubao para bigyan ng ayudang pinansyal at bukod sa lahat, mayroon pa siyang natutunan tungkol sa pagnenegosyo.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Ninna sa BVG Foundation at Rotary Club of Cosmopolitan Cubao.

Ipinangako nito na pagbubutihin niya ang kaniyang ginagawa para lumago ang kaniyang negosyo at makatulong rin sa ibang mangangailangan.

Sa pahayag naman ng mga lider ng Rotary Club of Cosmopolitan Cubao na sina Dr. Jesus Tumaneng at Romualdo Aldecua, anila, na maging inspirasyon ang kanilang ginagawang community service para makatulong din sa iba ang nabibigyan ng kanilang grupo kahit sa maliit na halaga.

Habang masaya siya sa kaniyang ginagawang cakes at pastries at na-i-aapply ang talento sa pagdidisenyo, ito rin ang nagsisilbing inspirasyon niya dahil nakatutulong siya sa kaniyang mga mahal sa buhay.

“Hilig ko na ang mag-drawing at magdisenyo ng cakes at pastries kaya habang lumalaki ako, narealize ko na gusto kong mag-bake. Masaya na ako sa ginagawa ko, at the same time, nakatutulong pa ako sa mga mahal ko sa buhay,” ang simpleng pahayag ni Ninna.

Dahil sa pangarap ni Ninna na matikman ng ibang tao ang kaniyang gawang cakes, pastries at cookies ibinenta niya ito online, sa opisina ng kaniyang nanay at maging sa kalsada.

“Gusto ko din matikman ng ibang tao ang mga gawa at ipaalam sa lahat na bukod sa magandang disenyo, dapat nasa tamang sangkap at lasa ito – ginagawa ito nang mayroong pagmamahal at dedikasyon para makuha ang tamang timpla. Tulad rin ito ng buhay natin – dapat munang dumaan sa hirap bago maranasan ang sarap,” ang malalim na hugot ni Ninna.

Sa mga nais umorder ng cakes at pastries ni Ninna, bisitahin lamang ang kanilang Facebook Page na https://www.facebook.com/leanna.cake/ o Leanna’s cake and pastries o tumawag sa 0935-6765686.

Sinabi naman ni Ms. Cecyl Aveno, isa sa founder ng BVG Foundation, ang “Bisyong Pagnenegosyo” ay ilan lamang sa kanilang mga proyekto na layong matulungan ang ating mga kababayan na matuto at magkaroon ng sariling negosyo.

Ang Bisyong Pagnenegosyo ay inorganisa ng BVG Accounting and Business Consultancy at BVG Foundation nito sa pangunguna ni Dr. Benjamin Ganapin, Jr. na layong makatulong sa ating mga kababayan, nawalan ng trabaho o hanapbuhay, mayroong maliit na kita pero naisn pang madagdagan ang puhunan at para sa mga nais matutong magnegosyo.

Media partner dito ang PILIPINO Mirror – Ang Unang Tabloid sa Negos­yo! CRIS GALIT

7 thoughts on “Participant ng Bisyong Pagnenegosyo Webinar, nakatanggap ng puhunan mula sa “Big Heart Investor” (Bisyong Pagnenegosyo Series) “BUKOD SA MAGANDANG DISENYO, DAPAT NASA TAMANG SANGKAP AT LASA ANG PRODUKTO MO…””

  1. 210208 65728Hello there, just became alert to your weblog by way of Google, and found that its truly informative. Im gonna watch out for brussels. I will appreciate in case you continue this in future. Lots of individuals will likely be benefited from your writing. Cheers! xrumer 560235

Comments are closed.