PANGARAP ng recipient ng “Bisyong Pagnenegosyo” Webinar na magkaroon ng sariling kagamitan sa kaniyang cake business.
Sa ngayon, mayroon lang umanong maliit na oven para sa kaniyang made-to-order na cake business si Adelaida Borras kaya laking pasasalamat niya nang mabigyan siya ng ayudang pinansyal mula sa “big heart investor” na si Diana Joyce Tugas-Chu ng Jomcret Trade and Development Corporation.
Kuwento ni Adelaida, natutunan niya ang pagbibi-bake mula sa kaniyang nanay. Noong nagsimula ang lockdown dahil sa Covid-19 pandemic, nagkaroon siya nang sapat na oras para pagkakitaan ang pagbibi-bake ng cake.
Dahil na rin sa tulong ng BVG Foundation at ng big heart investor ni Adelaida, masisimulan na rin nito ang pag-a-upgrade ng kaniyang negosyo – mula sa pagkakaroon ng mismong Facebook Page (With Love, Adelaide) sa September – tulad ng pagkakaroon nang maayos na packaging, logo at iba pang kailangan sa kaniyang negosyo.
Ayon sa big heart investor na si Diana Tugas-Chu, todo suporta umano ito sa mga proyekto ni Dr. Benjamin Ganapin, Jr. ng BVG Foundation at sa mga tinuturuan nitong magnegosyo.
“We supported the efforts of Dok Benjie to help startup businesses that he is mentoring,” ani Diana.
Ang Jomcret Trade and Development Corp. na pag-aari ng sponsor na sinimulan ng mga magulang nito noong 1989. Ito ang nagsusupply at nagmementina ng mobile hydraulic equipment sa mga utility company.
Malaki rin ang paniniwala ni Diana sa kahalagahan ng small-medium enterprises para sa ekonomiya kaya nararapat lamang umano na palakasin ito lalo ang mga nagsisimula ng lehitimong negosyo.
“SMEs are the backbone of our economy. As such, it is a must to empower budding entrepreneurs who are endeavoring to start a legitimate business,” ayon pa kay Diana ng Jomcret.
Sinabi naman ni Ms. Cecyl Aveno, isa sa founder ng BVG Foundation, ang “Bisyong Pagnenegosyo” ay ilan lamang sa kanilang mga proyekto na layong matulungan ang ating mga kababayan na matuto at magkaroon ng sariling negosyo.
Ang Bisyong Pagnenegosyo ay inorganisa ng BVG Accounting and Business Consultancy at BVG Foundation nito sa pangunguna ni Dr. Benjamin Ganapin, Jr. na layong makatulong sa ating mga kababayan, nawalan ng trabaho o hanapbuhay, mayroong maliit na kita pero naisn pang madagdagan ang puhunan at para sa mga nais matutong magnegosyo.
Media partner dito ang PILIPINO Mirror – Ang Unang Tabloid sa Negosyo! CRIS GALIT
672454 168085I truly enjoy examining on this internet site , it has good content . 282811
929701 176076This article is dedicated to all those that know what is billiard table; to all those that do not know what is pool table; to all those who want to know what is billiards; 214537
635230 649344Hi there! Great stuff, please do tell me when you lastly post something like that! 470126