PARTNER INDUSTRIES NAAKIT SA 66TH ANMSEC

66th annual national mine safety and environment conference

BAGUIO CITY – HINDI lamang sa pagkakaroon ng mas maraming bilang ng mga dumalo ang naitala sa idinadaos na 66th Annual National Mine Safety and Environment Conference dito, kundi ma­ging ng hanay ng tinaguriang ‘partner industries’ ng local mining sector ng bansa.

Ayon kay Philippine Mines Safety and Environment Association (PMSEA) Executive Director Richmond Ramirez, mula sa 126 na de­legado ng iba’t ibang mining firms na nakiisa sa ANMSEC noong nakaraang taon, nga­yon ay nasa 150 ang kanilang official participants.

Subalit pagmamalaki ni Ramirez, hindi lamang ang mga local mining company ang nagpamalas ng malaking interes na maging kabahagi ng 66th ANMSEC dito, kundi maging ang partner industries.

“It is not only the mining companies that showed interest in participating in the exhibit since suppliers and contractors also wanted to be in, that only showed of the healthy situation of the mining industry in the country compared to last year,” sabi pa ng PMSEA executive director.

Nabatid kay Ramirez na kumpara noong 2018 ANMSEC kung saan mayroon silang 120 exhibitors, ngayon ay nasa 135 ang kabuuang bilang ng exhibitors.

“In the past many of those who joined the exhibit are solely the mining industry, but now the number of suppliers increased, meaning they saw the big opportunity for their business due to the operation of responsible miners,” ayon kay Ramirez.

Sa panig ni PMSEA President Dr. Walter W. Brown, sinabi nito na ang massive information education campaign ng mining industry ang nagbigay ng malaking tulong upang maipabatid sa publiko ang mga isasagawa nilang aktibidad, na nakatuon sa pagsusulong ng responsableng pagmimina at pagbibigay halaga sa ambag ng kanilang sektor, hindi lamang sa ekonomiya ng bansa kung maging sa health, education at environmental programs.

Pagbibigay-diin pa ni Dr. Brown, sa kabila ng mga mabibigat na hamon na kinakaharap ng iba’t ibang mining companies, nanatiling matatag ang industriya ng pagmimina sa bansa at laging handang gampanan ang mahalagang papel nito para sa ikabubuti ng sambayanang Filipino.

“Even if the mining firms encountered problems, like suspension of operation and the others were ordered closed, the industry did not show any sign that they are in the losing end but they showed that they are vibrant,” dagdag pa ng PMSEA president.     ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.