SINASABING naglalaro sa kamay ng mga komunista si Vice President Leni Robredo at si vice presidentiable Senator Kiko Pangilinan dahil sa ginagawa nilang pakikipag-alyansa sa Makabayan bloc na nirerepresenta ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), ayon sa Abante Sambayanan party-list.
“Unfortunately, VP Robredo and Sen. Pangilinan can not claim as well innocence as they themselves openly proclaimed their alliance with the CPP-led and sarcasticallly-named makabayan bloc composed of the Kabataan, Anak Pawis, Bayan Muna, Act Teacher and Gabriela partylist groups, otherwise known as KABAG,” pahayag ng 3rd Nominee nito na si Arthur Tariman.
Sabi pa ni Tariman, insulto sa talino ng mga Pilipino ang ginagawa nina Robredo at Pangilinan dahil hindi susuportahan ng Makabayan bloc ang kanilang kandidatura nang walang pinagkakasunduang usapan na tinanggap umano nina Leni at Kiko para sa asam nilang posissyon sa gobyerno.
“There is no doubt, however, that they indeed entered pact with the devil – the communist terrorist group – in their uncontrollable desire to takeover the reign of government,” ayon pa kay Tariman.
Dagdag pa Sambayanan representative, hindi maaaring magmaang-maangan sina Robredo at Pangilinan dahil sa kanilang mga posisyon bilang bise presidente at senador ay tiyak umano na may kakayahan silang makuha ang mga classified information tungkol sa mga kaaway ng Estado at banta sa ating seguridad.
“Otherwise, if they insist to profess to be totally ignorant and innocent about the undeniable link between the CPP-NPA-NDF and the makabayan bloc or KABAG, then they can be as dumb and as fool not worth even the position of janitor in a government office,” patutsada pa ni Tariman.
Diretsahan ding pinangalanan ni Tariman ang mga umano’y CPP-NPA members na nag-organisa ng kanilang mga miyembro sa Metro Manila at CALABARZON para sumama sa Leni-Kiko campaign rally sa General Trias, Cavite noong Marso 4.
Ito ay sa pamamagitan umano ng kanilang urban operatives sa pangunguna nina Mong Palatino, Obet de Castro, Axel Pinpin na nasa frontline ng mobilisasyon ng kanilang mga inorganisang indibiwal.
Nangako ang party-list na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mahadlangan umano ang alyansa ng mga pula o ng CPP-NPA at pink na kulay ng kampo ni Robredo, gayundin ang plano nila laban sa sambayanang Pilipino.
“In the end, we invoke divine intercession in freeing the Filipinos from this unholy alliance of the blood-drenched communist terrorists and power-hungry political “pacmen”,” saad pa Tariman.