PARUSA SA RECKLESS IMPRUDENCE, MAS PABIBIGATIN NI KOKO

KOKO

NAIS ni Senador Aquilino Koko Pimentel III na magpataw ng mas mabigat na parusa, kabilang na ang mas mahabang pagkakakulong, sa mga mapatutunayang nagkasala ng reckless imprudence and negligence upang maiwasan ang pagkasira ng mga ari-arian at pagkawala rin ng buhay.

Isinumite ni Pimentel ang Senate Bill No. 118, na nagsususog sa Article 365 ng Act 3815 o ang Revised Penal Code, upang magsilbing pangontra sa nasabing krimen sa sandaling naisabatas ito.

“One of the purposes of criminal laws is the protection of members of society from potential wrongdoers. These laws are di-rected against acts or omissions which society does not approve of and therefore serve as deterrents against incidents that may claim lives or cause damage to property,” anang senador.

Hiniling rin niyang ma­diskuwalipika sa probasyon ang mga taong napatuna­yang sinadyang magsagawa ng reckless imprudence o grave felony na nagresulta sa kamatayan ng isang tao.

Binanggit ng senador ang 2014 Bulacan State University field trip tragedy, ang sunog sa Kentex slipper factory at ang paglubog ng M/B Kim Nirvana noong 2015, candy poisoning sa rehiyon ng Caraga ilang taon pa lamang ang nakalilipas at iba pang mga aksidente ng mga sasakyan.

The tragedies were caused by people who recklessly disregarded standards of care which our laws have imposed,” sabi ni Pi-mentel.

“To avoid similar episodes in the future, it is proposed that Article 365 of the Revised Penal Code be amended to provide our law on reckless imprudence and negligence more teeth by increasing the penalties of imprisonment and fine therein,” dagdag pa ng lehislador.

Ipinanukala ng senador ang pagpataw ng prision correccional sa medium at maximum period nito.

Nasa dalawang taon, apat na buwan at isang araw hanggang apat na taon at dalawang buwan ang itatagal ng medium na pagka-kakulong sa ilalim ng prision correccional habang nasa 10 taon at isang araw hanggang 12 taon naman ang maximum period.

Batay sa umiiral na probisyon ng Article 365 ng Revised Penal Code, any person, who, by reckless imprudence, shall commit any act which, had it been intentional, would constitute grave felony, shall suffer the penalty of arresto mayor in its maximum period to prision correccional in its medium period.

Sa mga kaso na nagdulot ng kamatayan ng isang tao ang imprudence o negligence, dadagdagan ang kaparusahan mula prision correccional patungong prision mayor sa maximum period hanggang reclusion temporal naman sa minimum period nito.

Nangangahulugang patatagalin ang pagkakakulong mula dalawang taon hanggang anim na taon patungong minimum na 10 hanggang 12 taon o umabot pa ng 14 na taon at walong buwan.

Kung pag-uusapan naman ang multa, nais din ni Pimentel na dagdagan ang kasalukuyang P200 ng hanggang P40,000 sa lahat ng gagawa ng light felony.

Comments are closed.