‘PASA-LEAVE’ KAY MISTER

Biñan City Rep Marlyn Alonte-Naguiat

MAAARING ipasa ng ‘working mother’ ang hanggang pitong araw na ‘paid leave’ sa kanyang mister.

Ito ang ipinaalala ni Biñan City Rep. Marlyn Alonte-Naguiat, vice-chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality batay  sa ilalim ng Republic Act No. 11210 o ang Expanded Maternity Leave Act na maaaring ipasa ng ‘working mother’ ang hanggang pitong araw na leave sa kanyang kabiyak.

Dahil dito, sinabi ng lady lawmaker, na isa sa mga may-akda ng nasabing batas, aabot sa 14 araw ang maaaring maging ‘paternity leave’ ng isang tatay kung pagsasamahin ang naipasang leave sa kanya at ang itinatakda naman ng Paternity Leave Law of 1996.

“Working mothers can allocate up to seven days of their available maternity leave to the father of the child they gave birth to. While the Paternity Leave Law of 1996 gives seven days of paternity leave but the grant is limited to the married father of the child. Kaya naman aabot sa 14 na araw ang maaaring maging ‘paid leave’ ng isang ama sa bagong silang niya anak,” ang pahayag pa ni Alonte-Naguiat.

“In the Expanded Maternity Leave Law, it does not matter if the father and mother are married or not. Basta siya ang tatay ng anak na isinilang, maaa­ring ipasa sa tatay ang hanggang pitong araw ng kanyang maternity leave. This provision of the said law upholds the equality that is inherent between father and mother, that both parents should share responsibility for child care,” dagdag niya.

Plano naman  ng kong­resista  na sa pagbubukas ng 18th Congress ay mag­hain ng panukalang batas para maamyendahan ang may 23-year old na Republic Act no. 8187 o ang Paternity Leave Law of 1996.

Partikular dito ang pagkakaroon ng probisyon sa naturang batas na kung saan hindi lamang ang ‘married father’ ang maaaring mabigyan ng pitong araw na paternity leave kundi ma­ging ang ‘solo father’ o ang lalaking hindi kasal sa ina ng kanyang anak.

Bagama’t sa ilalim ng Solo Parents’ Welfare Act of 2000, binibigyan naman ng 7 days parental leave ang  ‘solo father’ bukod sa iba pa niyang natatanggap na leave credits subalit kinakailangang nasa isang taon na siyang namamasukan sa kanyang employer o kompanya.   ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.