PASADA-TIPS KAPAG MAULAN

PASADA-TIPS

SABIHIN mang malakas ang ulan, hindi pa rin maiiwasan ng marami sa atin ang lumabas ng bahay. Hindi nga naman dahilan ang ulan, kahit pa sobrang lakas nito para itigil natin ang ating mga ginagawa. May ilang nagko-commute samantalang ang iba ay nagmamaneho. Ang ilan naman ay namamasada kahit pa baha ang pa­ligid.

Kapag tag-ulan, asahan na ang pagtaas ng porsiyento ng mga problema sa kalye: baha, traffic at sakuna. Hindi ito naiiwasan dahil na rin sa samu’t saring problema.

Madalas nating pinangangambahan ang panganib sa kalye, gayunpaman ay mayroong mga paraan upang maiwasan ang mga sakuna at masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Narito ang ilan sa tips na nais na­ming ibahagi sa inyo:

IKONDISYON ANG SARILI AT SASAKYAN

PASADA-TIPSBago pa lang bumiyahe, kailangang ikon­disyon mo na ang iyong sarili at siguraduhing maayos ang sasakyan at wala itong problema.

Kailangang mag-doble ingat tayo kapag ganitong basa ang kalsada dahil kakabit nito ang hindi maiiwasang problema.

Kung nasa kondisyon ang katawan, isipan at maging ang iyong minamanehong sasakyan, mailalayo mo sa disgras­ya ang iyong sarili at maging ang iyong pasahero.

DAHAN-DAHAN LANG ANG PAGPAPATAKBO NG SASAKYAN

Madulas ang daan at kung minsan pa ay halos zero visibility o hindi mo gaanong maaninag ang tinatahak mong daan. Sa ganitong pangyayari, kailangang tama lang ang pagpapatakbo ng sasakyan nang malayo sa panganib.

TALASAN ANG PANINGIN AT HUWAG BASTA-BASTA LILIKO, TITIGIL O AARANGKADA

Kailangan ding talasan mo ang iyong paningin lalo na kapag maulan.  May mga driver na bigla-bigla na lang kung lumiko o kaya naman, tumitigil nang hindi man lang sumesenyas sa kasunod na sasakyan. Kaya importante ang pagiging mabilis at matalas ng paningin sa ganitong mga pagkakataon. Iwasan din ang pakiki­paggitgitan o unahan.

MAGING MAHINAHON SA KALYE

Nakaiirita ang mau­lang paligid na sinaba­yan pa ng traffic at baha. Idagdag mo pa ang mga pasaway na driver at pasahero.

Sadyang mahaba ang pasensiya ng mga driver. Gayunpaman, kapag ganitong maulan ang paligid, mas kailangan ng doble o triple na pasensiya. Maging mahinahon lang sa pagmamaneho.

PANATILIHING MALUSOG ANG PANGANGATAWAN

Sa mga nagmamaneho o pumapasada, importante rin ang pagpapanatiling malakas at malusog ng pangangatawan nang makayanan ang lamig na dala ng walang habas na pagbuhos ng ulan. Kung malakas din ang resistensiya, maiiwasan nito ang pagkakasakit at magiging tuloy-tuloy ang pamamasada para sa pamilya.

Kumain ng masusustansiyang pagkain. Mai­nam din ang pagdadala ng jacket nang maprotektahan ang sarili sa lamig.

MAGDALA O MAGBAON NG PAGKAIN, TUBIG O BISKUWIT

PASADA-TIPSSa mga pumapasada o ang pagmamaneho ang ikinabubuhay ng pamilya, mainam din ang pagdadala ng pagkain, tubig o kahit na biskuwit habang namamasada lalo na kapag malakas ang ulan.

Oo nga’t maraming driver ang halos hindi na makakain dahil sa pagtatrabaho. Gayunpaman, kung may baon kang pagkain o kahit na biskuwit man lang  ay mayroon kang maipanlalaman sa tiyan sakaling kumalam ang iyong sikmura.

MAGDALA NG PAMALIT NA DAMIT

Importante rin ang pagdadala ng ekstrang damit kapag namama­sada nang mabasa man ng ulan o ma-stranded, mayroon kang magagamit o pampalit. Kung minsan kasi, hindi man natin gustuhin ay nai-stranded tayo dahil na rin sa matinding ulan o kaya naman baha.

MAGDASAL BAGO BUMIYAHE

PASADA-TIPSHindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin sa daan. Hindi natin hawak ang ating buhay. Wika nga ‘di ba, anino natin ang panganib, ang kamatayan. At dahil hindi tayo nakatitiyak sa maa­aring mangyari sa atin sa bawat minuto, huwag na huwag nating kaliligtaan ang magdasal lalong-lalo na bago bumiyahe.

Hindi lamang din ito para sa mga nagmamaneho kundi para sa ating lahat. Matapos din ang buong araw na pagkayod, matuto ring magpasalanat sa Diyos.

Kaligtasan ng bawat isa sa atin ang mahalaga. Kaya naman, ngayong tag-ulan, pakaingatan natin ang ating sarili. Kung hindi naman kayang pumasada ay huwag pilitin. (photos from google) CT SARIGUMBA

Comments are closed.