NAGBABADYA na rin ang dagdag pasahe sa eroplano matapos katigan ng gobyerno ang hirit ng mga local airline company na ibalik ang fuel surcharge dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa Senate hearing kahapon, inihayag ni Civil Aeronautics Board (CAB) Executive Director Carmelo Arcilla na posibleng 80 hanggang 100 pesos ang maging fare increase ng mga airline company.
Ayon kay Arcilla, hangga’t hindi bumabalik sa 70 dollars per barrel ang presyo ng aviation fuel sa international market ay mananatili ang fuel surcharge.
Sa ngayon aniya ay umaabot na sa 90 dollars per barrel ang presyo ng aviation fuel kaya’t hindi rin masisisi ang mga airline na magtaas ng singil upang maiwasan ang pagkalugi.
Tiniyak naman ni Arcilla na pinag-aralan nilang mabuti at pinulong ang mga airline company bago pahintulutan ang kanilang hiling.
Comments are closed.