INARESTO ng awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City ang isang pasahero dahil sa pagdadala ng baril ng walang kaukulang linsensiya.
Ayon sa impormasyon ang naturang pasahero ay residente ng Pandi Bulcan, at nahuli ito bago makasakay sa kanyang flight papuntang Cagayan De Oro.
Nakuha ng mga awtoridad sa suspek ang kalibre 22, labing isang (11) bala, kung saan itinago ang mga ito sa kanyang luggage.
Ayon inisyal imbestigasyon walang maipakitang legal na dokumento na magpapatunay na may karapatan siya magdala ng armas.
Kasogng paglabag ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kinakaharap na kaso ng lalaking inaresto.
FROILAN MORALLOS