PASAHERO NAGWALA SA ‘BOMB JOKE’ SA EROPLANO

bomb joke

INARESTO kahapon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation group ang isang pasahero na nagbiro na may bomba ang kanyang bagahe sa loob ng eroplano.

Kinilala ng mga tauhan ng PNP Aviation group ang pasahero na si  Ramon Barrios.

Nangyari ang insidente alas-9:47 ng u­maga sa runway ng Davao Airport bago mag-take off ang flight na patungong Cebu nang biglang magwala si Barrios nang arestuhin matapos ang kanyang ‘bomb joke’.

Agad na pinigil ng piloto ang pag-take off, at pinababa ang lahat ng mga pasahero, crew at maging ang mga bagahe upang halungkatin ang kinaroroonan ng bomba.

Makaraan ang ilang minutong inspeksiyon ng mga tauhan ng PNP sa tulong ng sniffing dog sa bawat bagahe ay walang nakitang bomba.

Ang flight GAP 2364 ay dapat nakaalis ng alas-9:47 kahapon ng umaga sa Davao Airport, ngunit dahil sa idinulot na gulo  ni Barrios ay  na-delay ito ng mahigit isang oras bago makaalis.

Ayon sa Civil Aviation authority of the Philippines (CAAP), si Barrios ay sasampahan ng kasong kriminal sa korte, dahil ang ‘bomb joke’ ay isang criminal offense na  may kaakibat na pagkakakulong at multa. FROI MORALLOS

Comments are closed.