PASAHERO NAMATAY HABANG BUMIBIYAHE

PATAY

CAMARINES SUR – HINDI na nakauwi ang isang 45-anyos na babae makaraang mamatay ito sa karamdaman habang bumibiyahe patu­ngo sa bayan ng Libmanan.

Kinilala ang biktima na si Marilou Reataza, may mayoma o sakit sa matres.

Ayon sa tagapagsalita ng Libmanan-PNP, kasama ni Marilou ang ina na si Matilde, 69-anyos, at nang sumapit sa Brgy. Bagacay ang kanilang sinasakyang bus ay napansing hindi na gumagalaw ang biktima.

Pauwi sana silang mag-ina sa Bohol mula sa Maynila at huminto lamang sa kainan ang kanilang sinasakyan kaya napansing wala nang buhay si Marilou.

Kaugnay nito, agad namang ini-report ng mga ito sa awtoridad ang nasabing pangyayari. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.