PASAHERO NAWALAN NG BAGAHE SA NAIA

HUMINGI ng paumanhin ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa isang pasaherong nawalan ng bagahe kahapon pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“We extend our sincere apologies to Etihad passenger Ady Cotoco for his unpleasant experience upon arrival at NAIA Terminal 3 yesterday, September 8, 2022, when one of his baggage was discovered pilfered,” pahayag ng MIAA.

Ayon kay Cotoco, galingvsa Madrid, Spain na nawala ang kanyang mga pasalubong na branded shoes, bags, perfumes at mga damit na tinatayang aabot sa P200,000 ang halaga.

Ani Cotoco, na-traumatized siya sa nangyari sa kanyang mga bagahe, dahil sa loob ng 23 taon niyang bumibiyahe ay ngayon lamang niya nakaranasang mawalan ng bagahe.

Sinabi pa nito sa kanyang post sa facebook,” we have sacrifice and work hard abroad to earn and buy things or souvenirs for our love ones, then sa isang saglit nanakawin?”

Gayunpaman, sa resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng MIAA, lumalabas na ang ninakaw na bagahe ni Cotoco hindi naganap sa Pilipinas batay sa mga footages na nakita ng mga ito.

Sa kasalukuyang inaantay ng MIAA ang Etihad airways sa ipagkakaloob na immediate assistance sa nasabing pasahero habang gumugulong ang imbestigasyon tungkol sa naturang isyu. FROILAN MORALLOS