CAMARINES NORTE – ISANG pasahero ng RORO bus ang nasawi nang masangkot sa vehicular accident ang sinasakyang truck sa Maharlika Highway, Tabugon, Sta. Elena, kahapon ng madaling araw.
Batay sa Sta. Elena Municipal Police Station, galing Masbate ang bus at patungo sana sa Maynila.
Galing naman sa Maynila at patungong Bicol ang truck nang magka- salubong sila sa pakurbang bahagi ng highway.
Kapwa mabilis ang takbo ng dalawang sasakyan, ayon sa mga pulis.
Dead on the spot ang isang lalaking pasahero na nakaupo sa unahang bahagi ng bus. Halos madurog ang katawan nito at bumitin pa sa bintana ng bus. Sugatan rin ang dalawang iba pang pasahero ng bus.
Nagtamo naman ng minor injury ang driver ng truck.
Hawak na ng Sta. Elena Municipal Police Station ang driver ng truck na nahaharap sa kasong Reckless imprudence resulting in homicide, physical injury, and damage to property. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.