PINANGUNAHAN ng PASAHERO Partylist ang isang pagpupulong kasama ng mga lider ng iba’t ibang grupo ng Tricycle Operators and Drivers Association sa lalawigan ng Bulacan. Ang PASAHERO o Passengers and Riders Organization, Inc., ay kumakandidato para sa Kongreso bilang partylist group na kakatawan sa milyun-milyong mananakay sa bansa na ang pangunahing plataporma ay masigurong maipasa sa susunod na Kongreso ang Magna Carta of Commuters o ang Commuters Bill of Rights na matagal nang nakabimbin. Ang pagpupulong na ito sa naturang lalawigan ay isa lamang sa mga isinasagawang konsultasyon ng PASAHERO bilang paghahanda sa kanilang pagsabak sa May 2022 elections.