ISANG pasahero ang inaresto ng Philippine National Police – Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa tangkang pagpuslit nito palabas ng bansa ng isang .22 caliber pistol.
Ayon sa pahayag ng Aviation police, nakilala ang naturang pasahero na si Leandro Gatdula, at naharang ito ng mga tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) sa may security check counter sa departure area bago siya makasakay sa kanyang Incheon, South Korea Asiana Airlines flight.
Nabatid ng mga tauhan ng OTS na mayroong napansin ang operator ng X-ray scanning na imahe ng baril na nasa loob ng bagahe ng suspek.
Agad na ipinarating ng mga tauhan ng OTS sa opisina ng aviation police ang nakita at ikinasa ang interception operation kung saan bumungad sa kanila ang anim na piraso ng bala, magazine at baril sa loob ng bagahe ni Gatdula. FROI MORALLOS
Comments are closed.