PAMPANGA – NAGING impresibo ang bilang ng mga biyaherong dumaraan sa Clark International Airport kung saan naitala ang record-high nila sa passenger traffic.
Batay sa talaan ng paliparan, pumalo sa 1.5 million ang naitalang pasahero mula Enero hanggang sa unang linggo ng Agosto ngayong taon.
Ipinagpalagay ng ilang transportation officials na ang nasabing ulat ay magandang indikasyon o para hindi na lumala ang congestion sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.
Maguguntiang sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ipupursige nila ang development sa Clark Airport upang matugunan ang problema sa NAIA at ang mungkahi ng ilang sektor.
Welcome din ito sa ilang overseas Filipino workers upang maalwan ang kanilang biyahe paalis at paba-lik ng bansa. MHILLA IGNACIO
Comments are closed.