PASAHERONG GALING SA 9 NA BANSA BAWAL PUMASOK SA PILIPINAS

comm-Jaime-Morente

PANSAMANTALANG ipinatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang travel ban restriction sa mga pasaherong manggagaling sa mga bansang Azerbaijan, Guadeloupe, Guam, Israel, Kosovo, Montenegro, North Macedonia, Saint Lucia, at Switzerland mula Linggo (Setyembre 12) hanggang Setyembre 18.

Ayon kay Commissioner Jaime Morente, ito ay bilang pagsunod sa kautusan ng Malakanyang alinsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Ngunit ang mga pasahero na parating bago ang implementasyon ng travel ban ay puwedeng papasukin sa ilalim ng Bureau of Quarantine (BOQ).

Ayon naman kay BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang mga Pilipino na galing sa mga bansang nasa red list sa ilalim ng government or non-government repatriation programs or bayanihan flights, ay makakapasok, ngunit maga-undergo ang mga ito ng mahigpit na 14-day facility, at irere-required ng Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.

At nakasaad din sa travel restriction na ang mga Filipino, balikbayan at dayuhan na may valid visa ang papayagan pumasok na nagmula sa green list countries kabilang ang galing sa mga bansang American Samoa, Anguilla, Australia, Benin, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Republic of the Congo, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands (Malvinas), Gabon, Grenada, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Hungary, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Caledonia, New Zealand, Niger, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba, Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Sint Eustatius, Slovakia at Taiwan.
F MORALLOS

6 thoughts on “PASAHERONG GALING SA 9 NA BANSA BAWAL PUMASOK SA PILIPINAS”

  1. 56274 625926Terrific paintings! That is the type of information that are meant to be shared about the net. Shame on the seek for no longer positioning this publish higher! Come on over and consult with my internet site . Thank you =) 733057

Comments are closed.