Pasaol, Santillan sa PBA Annual Draft

NAGSUMITE na sina Alvin Pasaol at Leonard Santillan ng aplikasyon para sa nalalapit na PBA Annual Draft.

Si Pasaol ay isang 6-foot-4 forward mula sa University of the East na minsang gumawa ng 49 points sa UAAP noong 2017. Naglaro siya para sa Petron-Letran at Marinerong Pilipino sa PBA D-League bago lumahok sa 3×3 circuit kung saan ranked no.2 siya sa bansa.

Samantala, si Santillan ay isang masipag na forward mula sa University of Visayas at La Salle. Naglaro rin siya para sa Marinerong Pilipino sa PBA D-League at ranked sixth sa bansa sa 3×3 circuit.

Lalahok din sa March 14 draft sina Frank Johnson, Tyrus Hill at Troy Rike.

Si Johnson ay isang 6-foot-2 slasher na naglaro para sa AMA, Marinerong Pilipino, at Gamboa Coffee Mix sa PBA D-League habang si Hill ay isang 6-foot 5 forward na sumabak para Adamson at La Salle.

Si Rike, may taas na 6-foot-8, ay dating Gilas cadet mula sa Wake Forrest at sandaling naglaro para sa

National University bago lumahok sa 3×3 circuit.

Sa kasalukuyan ay may 27 aspirants na ang nagpatala para sa Draft.

Itinakda ng PBA Commissioner’s Office ang January 27 deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon at requirements kapwa para sa Fil-foreign at local players.

Comments are closed.