PASAY CITY – PINAALALAHANAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong na ang Philippine passports ay pag-aari ng pamahalaan.
Dahil dito, hindi ito maaaring pamprenda, pansangla o gamiting collateral sa mga utang.
Ginawa ng DFA ang paalala makaraang makumpiska ng Hong Kong Police sa isang lending company ang 1,400 Philippine passports.
Ang nasabing mga pasaporte ay ginamit umano ng mga OFW doon bilang collateral sa kanilang mga inutang.
Babala pa ng DFA, dapat unawain ang Foreign Service Circular No. 2014-99 na nagbabawal na gamitin ang passport bilang col-lateral as loan.
Sakaling iprenda o isangla ang pasaporte, mawawalan na ito na bisa o invalidated na ito kaya kinakailangang magpa-renew ang OFW ng pasaporte habang naka-indicate doon ang dahilan kung ano ang nangyari sa kanilang old passport. EUNICE C.
Comments are closed.