PASASALAMAT NG COMMUTER  AT TRANSPORT GROUPS

patnubay ng driver

MAGANDANG araw po, mga kapasada.  Gaya po ng laging dalangin ng pitak na ito, sana po ay ligtas kayong lahat sa masamang  kapalarang dulot ng COVID-19 pandemic. Nagpahatid ng labis na pasasalamat ang mga commuter at transport group kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senate Presidenf Tito Sotto matapos tuldukan ng mga ito ang isyu sa hindi na kailangan ang pagsusuot ng face shield sa mga sasakyan.

Kaugnay sa mahalagang aksiyon nina Duterte at Sotto sa ‘di na pagsusuot ng face shield ng mga pasahero sa mga public transport, ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) at mga kabalikat  na commuter at transport groups sa buong bansa ay lubusang nagpaabot ng kanilang taos-pusong pasasalamat.

Ayon kay Atty. Inton, ang LCSP at ang lahat ng commuter at transport groups ay kara-karakang nagpaabot ng kanilang pasasalamat sa kagyat na aksiyong ginawa sa kanilang kahilingan tungkol sa pagsusuot ng face shield. Samantala, nanawagan naman si Inton sa local government units (LGUs) tulad ng Quezon City na ipawalang-bisa o susugan ang city ordinance na nagpapataw ng multa sa mga ‘di nagsusuot ng face shield. Lubos ang pagtitiwala at paniniwala ng Lawyers for Commuters Safety and Protection at mga affiliated commuter at transport sa buong bansa na susundin ng local government units ang kautusan ng pangulo tungkol sa isyu ng hindi pagsusuot ng face shield.

ANG BANGGAAN NG DALAWANG SASAKYAN

Mga kapasada, may anim na uri ng banggaan ng dalawang sasakyan ang natukoy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na karaniwang nagaganap sa mga pangunahing lansangan ng Kalakyang Maynila at manapa ay sa buong  kapuluan na nagaganap din ang mga ganitong uri ng banggaan. Kabilang sa mga tinukoy ng MMDA na karaniwang sanhi ng two vehicle collision ang banggaan sa intersection, binangga ng kasunod na sasakyan, binangga ng sumusunod na sasakyan, banggaan habang lumulusot sa ibang sasakyan, banggaan habang nilulusutan ng ibang sasakyan at banggaan ng dalawang magkasalubong na sasakyan.

Ayon sa MMDA, sa lahat ng banggaan ng dalalwang sasakyan  ang pinakagrabe ay ang head on collision. Ang karaniwang ugat ng ganitong banggaan ay ang pag-cross sa center line ng kasalubong na sasakyan. Upang maiwasan ang banggaan ng dalawang magkasalubong on a straight road, kailangang mabatid ng mga kapasada ang dahilan kung bakit naglandas ang drayber na kasalubong sa center line at ano ang magagawang aksyon upang maiwasa ito.

BAKIT SA CENTER LINE NAGLALANDAS ANG KASALUBONG?

Sa pakikipanayam ng pitak na ito sa isang traffic enforcer sa Sucat Road, Paranaque City, sinabi nito na ang karaniwang dahilan na  naglalandas ang mga drayber sa center line ay maaaring may kinalaman sa:

  1. Malabo ang road markings – Kapag umuulan o masama ang lagay ng panahon, karaniwang lumalabl ang mga road markings na hindi nakikita ng mga drayber na magkakasalubong. Sa ganitolng sitwasyon,payo ng mga traffic enforcer ng MMDA, magpabagal ng takbo, sindihan ang mga ilaw at hanggang maaari, manatiling naglalandas sa kanang bahagi ng lansangan.
  2. Sa walang anumang kadahilanan, ang mga kasalubongn na sasakyan ay patuloy ang pananatili sa maling lane. Sa ganitong pangyayari, hindi kaagad mabatid kung ang drayber ay lasing, inaantok, may dinaramdam sa katawan o kinatuwaan lamang niya itong gawin. Upang maiwasan ang masamang implikasyon ng ganitong gawi ng ilang mga kapasada, manatiling mabagal ang pagpapatakbo sa kanang bahagi ng lansangan. Pindutin ang busina upang magising ang kasalubong na drayber ngunit iwasang kumaliwa sa tinatahak na lane para maiwasan ang banggaan.
  3. Sinadya lang ng drayber sa center line – Hindi maiiwasan ng makakasalubong na sasakyan na ‘di maglandas sa center line kung ito ay lumulusot o kaya ay mahaba ang buhol ng trapik. Kung mapuna ninyo, mga kapasada, ang ganitong sitwasyon sa mga makakasalubong na sasakyan sa inyong kaliwa, maging alisto at maging handa sa pagpapabagal ng takbo ng inyong sasakyan o kung kinakailangan ay huminto to avoid collision. Laging tatandaan, ang pananatili sa kanang bahagi ng lansangan at kung kinakailangan para sa kaligtasan kahit na sumalta sa bangketa kung hindi masyadong malalim at peligroso.
  4. Puwersahang pagpapatakbo ng sasakyan sa center line ang kasalubong na sasakyan kung iniwasan nito ang isang sasakyan na biglang lumabas sa linyang kanyang tinatahak.
  5. Kapag lumilikong pakanan – Karamihan sa mga kapasada na kapag nagra-right turn sa intersection at nagdaraan sa center line. Ang malaking kabig sa manibela ay karaniwang nagiging mitsa ng road accident dahil sa malaking kinaing espasyo ng lansangan. The best defense here, ayon sa traffic enforcer, ay to slow down well ahead bago pumasok sa intersection at maging handang mag-yield karaka-raka.

ACCESSORIES NA DAPAT TAGLAY NG MOTOR VEHICLES

Mga kapasada, nakalulungkot alalahanin na hanggang ngayon ay marami pa rin sa ating mga hanay ang walang kaalaman sa mga accessories na dapat tinataglay ng minamanehong sasakyan. Dahil dito, minarapat ng pitak na ito na muli’t muling ipaalala ang mga sumusunod na dapat taglay ng minamanehong sasakyan para makaiwas sa anumang pananagutan sa batas na may kinalaman sa accessories of motor vehicles tulad ng:

  1. Tires of motor vehicles – no motor vehicle with metalic tires shall be operated upon any public highway, and solid tires whenever used shall be of sufficient thickness to prevent the metal rim thereof from coming in direct contact sa lansangan
  2. Brakes – ang bawat motor vehicle na may apat o higit pang gulong ang dapat na may taglay na mga dual hydraulic brake system upang sakaling pumaltos ang braking efficiency ng alinman sa apat na gulong, sa unahan o sa hulihan ay mapananatili ang normal na braking capabilities.
  3. Busina – ang bawat sasakyan ay kailangang may busina o signaling device na nasa maayos na kondisyon para karaka-rakang magamit sa pangkagipitang pangangailangan.
  4. Headlights – ang motor vehicle na may mahigit sa isang metro ang projected width kapag ginamit sa mga highway ay kailangang may dalawang headlights isa sa bawat tagiliran na magiging visible sa unahan.
  5. Tail lights – ang bawat sasakyan at trailer ay kailangang may taglay na kulay pulang ilaw na dapat makikita sa layong100 metro sa sumusu-nod na sasakyan.

PAGKAWALA NG KONTROL NG SASAKYAN

May tatlong klase ng pagkawala ng control ng sasakyan tulad ng:

  1. Maaaring tumanggi ang gulong.
  2. Maaaring tumalon sa bilis ng pagpapatakbo at
  3. Hingi gaanong sumayad sa lupa, o maaaring uminog ito dahil sa pagpigil dito habang kumukurba ang sasakyan.

Kung tumanggi ang gulong, gaanan natin ang pag-apak sabrake para bumalik ito sa dating takbo. Kung tumalon o uminog naman, alisin ang paa sa accelerator.   Sa mga pagkakataong umiikot ang sasakyan, ipihit lamang ang manibela sa direksiyon na tinatakbo ng gulong.  Sa ganitong paraan, maibabalik ang control ng sasakyan.

LAGING TATANDAAN:  UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING

2 thoughts on “PASASALAMAT NG COMMUTER  AT TRANSPORT GROUPS”

  1. 462519 792022I need to admit that that is 1 wonderful insight. It surely gives a company the opportunity to have in around the ground floor and actually take part in creating a thing particular and tailored to their needs. 917721

Leave a Reply

Your email address will not be published.