PASAWAY NA MOTORISTANG NASISITA NG LTO-NCR MAHIGIT 2K NA

TINATAYANG  aabot sa mahigit dalawang libong mga pasaway na motorista ang mga nasisita ng LTO-NCR.

Muling nagbabala ang Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) sa mga nagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan na lalong paiigitngin pa ang panghuhuli ngayong 2024.

Ayon kay LTO Regional Director Roque I. Verzosa III malaking bilang na ng mga motorista na may delinquent motor vehicles ang natiketan noong 2023.

Sa bilana na 2,200 na nahuli ng ahensya, 233 ang nagmamaneho ng mga hindi rehistradong sasakyan, na lumalabag sa mga probisyon ng Republic Act 4136, na kilala rin bilang Land Transportation and Traffic Code.

Kabilang sa mga delinquent motor vehicles ang 633 ring motorista na natiketan dahil sa paglabag sa iba’t ibang probisyon ng RA 4136, kabilang ang sasakyan na may depektibong mga kasangkapan, kagamitan, o bahagi (157), paglabag sa batas na pagmamaneho (118).

Habang ang mga bigong magdala ng OR/CR habang nagmamaneho ng sasakyan (113), pagmamaneho na naka-tsinelas (45), pagmamaneho nang walang balidong lisensya (42), hindi awtorisadong pagbabago sa sasakyan (32), at paglapastangan sa mga traffic sign (28).

Giit pa ni Versoza kritikal ang pagpaparehistro ng bawat sasakyan lalo’t nakasalalay rito ang kaligtasan ng mga road user. PAULA ANTOLIN