(Pasay LGU at SM nagtulungan) GIGA VACCINATION CENTER ITATAYO

NAKIPAG-PARTNER ang lokal na pamahalaan ng Pasay sa SM para sa pagtatayo ng isa sa pinakamalaking vaccination centers sa bansa.

Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na napakalaki ang pagtatayo ng nakaplanong pasilidad na mayroon pang drive-through section upang makatanggap pa ng mas maraming pasyente.

Dahil na rin sa laki ng vaccination center na itatayo ng lokal na pamahalaan at ng SM ay sinabi ni Calixto-Rubiano na tiyak na mangangailangan sila ng mas marami pang medical health wor­kers na manggagaling sa iba’t-ibang lungsod.

“Kaya nga po makikiusap ako sa ibang punong-lungsod na kung maaari ay pahiramin nila kami ng kanilang mga health personnel para sa ganoon ay mas marami ang mabakunahan natin kada araw,” ani Calixto-Rubiano.

Paliwanag ni Calixto-Rubiano na ang itatayong vaccination center ay hindi lamang ekskusibo para sa mga resident eng lungsod kundi ito ay bukas para sa lahat ng mamamayan.

“Kahit sino po ay pwede rito magpabakuna para makatulong naman tayo sa kampanya ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 porsiyento ng ating mga kababayan para makamit natin ang tinatawag na herd immunity,” dagdag pa ni Calixto-Rubiano.

Sinabi rin ni Calixto-Rubiano na ang naturang pasilidad ay idinisenyo para magkaroon ng sapat na espasyo na maaaring malagyan ng air-conditioning system at TV sets upang makasiguro na maging maginhawa ang publiko habang naghihintay ang mga ito ng kanilang takdang oras para mabakunahan.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na nakahanda na ang lungsod sa pagsasagawa ng pagbabakuna sa kanilang bagong vaccination center at naghihintay na lamang ang darating na bagong vaccines na ipagkakaloob ng gobyerno sa lungsod. MARIVIC FERNANDEZ

5 thoughts on “(Pasay LGU at SM nagtulungan) GIGA VACCINATION CENTER ITATAYO”

  1. 524400 836655Howdy! Do you know if they make any plugins to safeguard against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any suggestions? 754702

Comments are closed.