KASALUKUYANG naghahanap ang lokal na pamahalaan ng Pasay sa pakikipagkoordinasyon ng SM Economic Program ng mga trabahador para sa isasagawang konstruksiyon sa SM Complex sa nasabing lungsod.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang lokal na pamahalaan ay naghahanap ng mga mason, welder, pintor, karpintero, form workers at tubero.
Ani Calixto-Rubiano, prayoridad na tatanggapin ay ang mga aplikante na residente ng lungsod lalo na ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19.
Ang mga interesadong mag-aplay ay magsumite lamang ng biodata, barangay certificate at barangay identification card (ID) sa Pasay City Hall at agad na makipag-ugnayan sa Mayor’s Office at hanapin sina Mr. Peter Pardo o dili kaya ay si Ms. Rolet Regaspi. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.