NAKAHANDA ang lokal na pamahalaan ng Pasay sa kahit pa anumang desisyon ng gobyerno kung muling papalawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) ng isang linggo o mas mahaba pa.
Sa panayam kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa programang Balitaan at Kumustahan ni Jon Ibanez, sinabi ng mayora na handang sumunod ang lokal na pamahalaan kahit ano pang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
“Kami po ay handang sumunod anuman ang desisyon ni Pangulong Duterte base sa rekomendasyon ng IATF. Kasi po ang IATF ay binubuo ng maraming mga eksperto na mula sa iba’t-ibang sector kaya sila ang nakakaalam kung ano ang mainam para sa lahat,”anang alkalde.
Napag-alaman na tinitimbang pa ni Pangulong Duterte ang sitwasyon at inaasahang maglalabas na ng kanyang desisyon anumang oras.
Dahil dito, tiniyak ni Calixto-Rubiano na nakahanda ang lokal na pamahalan sa pagbibigay ng pangunahing pangangailangan at pagseserbisyo sa mga residente ng lungsod kung sakaling magkaroon pa muli ng panibagong ECQ extension.
“Bago pa po ang pagbibigay ng ayuda ng national government ay napaghandaan na namin ang ganitong sitwasyon at naglaan na kami ng pondo kaya sa tingin ko po ay kakayanin pa naman naming maibigay ang mga kaukulang tulong at serbisyo sa tao,”anito.
Gayunpaman, inamin ng alkalde na ang koleksiyon ng buwis nitong taon ay napakababa kumpara sa mga nakaraang taon dahil sa epekto ng pandemya sa ekonomiya ng bansa.
“Talaga pong mababa ang ating koleksyon ngayong taon pero pinagkakasya po natin sa pamamagitan ng masinop na pagba-budget at paggastos upang sa ganoon ay patuloy tayong magbigay ng serbisyo sa ating mga kababayan,” diin nito.MARIVIC FERNANDEZ
250542 939174Somebody necessarily help to make seriously articles I may possibly state. That will be the very initial time I frequented your web page and to this point? I surprised with the research you created to make this actual put up amazing. Great task! 327085
184408 963943Just what I was seeking for, appreciate it for posting . 489567