PASAYAHIN ANG MAYLIKHA

TUWING tayo ay mananalangin sa ating Maylikha, halos lahat ng nilalaman ay kahilingan.

Puro hingi, pansarili at kung mayroon mang hindi sa atin, para naman sa mahal sa buhay, kaibigan o kakilalang nais tulungan.

Pansin ninyo, puro abang at pakabig tayo?

At masaklap nito, ginagawa natin ang panalangin kapag wala na tayong matakbuhan.

‘Yung ipit na ipit na tayo sa sitwasyon at wala nang magagawa ang sinuman.

Nakalulungkot. Dahil halos ang lahat ng sangkatauhan na nilalang na Kawangis ng Diyos ay puro si Jan Maykel (John Michael) o Nandiyan lang kapag May Kailangan.

Mapagmahal ang Diyos sa lahat ng kanyang nilikha at kahit nakalilimot ay Kanya pa rin itong tutulungan.

At mayroon din Siyang kahilingan sa Kanyang mga nilikha, ang sundin amg utos na maging matuwid at lumayo sa kasalanan.

Dapat nating bigyan ng lugod ang Diyos at hindi lang tayo ang tuwina’y kanyang pasasayahin, Siya rin ay dapat pasayahin ng sangkatauhan.

Saad sa Bibliya, Isaiah 42:1 “Here is my servant, whom I uphold, my chosen one in whom I delight; I will put my Spirit on him, and he will bring justice to the nations.”