TULOY-TULOY ang iba’t ibang programa at proyekto ng Office of the Vice President (OVP) para sa ating mga kababayan.
Kahit saang sulok ng bansa, nagtutungo ang tanggapan ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte-Carpio.
Ang maraming partners ng OVP ay hindi lamang pasasalamat ang natatanggap kundi awards o parangal din.
Kamakailan naman, pinangunahan ni VP Sara ang Pasidungog 2023 upang pasalamatan at bigyang-pugay ang mga partner ng OVP, kabilang ang mga pulis at local leaders.
“Lubos ang aking pasasalamat sa ating mga local at private sectors at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa kanilang tulong upang mapaglingkuran at matiyak ang pangkalahatang kapakanan ng ating mga kababayan,” sabi ni VP Sara.
Inilahad din ng bise-presidente ang kanyang report kung saan binanggit niya ang kaliwa’t kanang mga programa ng OVP tulad ng medical at burial assistance, libreng sakay, kalusugan food trucks, pansarap program, PagbaBAGo: A Million Learners & Trees Campaign, at Mag-Negosyo Ta ‘Day.
Nariyan din ang sunod-sunod na pagbubukas ng mga satellite at extension office para mas mapalawak pa ang serbisyo ng tanggapan ni VP Sara sa buong bansa.
“This is us investing in our children by promoting their welfare and fundamental rights as humans and citizens of our country. This is us investing in the future,” wika pa ng VP at DepEd head.
Samantala, sa gitna ng iba’t ibang kontrobersiya na bumabalot sa The Fraternal Order of Eagles, mahigpit namang pinabulaanan ni Nelson Sarapuddin na may nangyayari o nangyaring korupsiyon sa Eagles, Philippine Eagles, sa ilalim ng kanyang liderato.
Ang masipag at energetic na si Sarapuddin ang kasalukuyang national president ng organisasyon.
Kung matatandaan, pinaratangan ang panig ni Sarapuddin ng kabilang grupo ng Philippine Eagles na binubuo nina Arnold Landayan, Alexander Alag, Gilbert Trani at Joci Bade Labial na nangukot daw ng kanilang pondo.
Nais pa nilang isauli raw ni Sarapuddin ang sinasabing pondo na nawawala raw sa kanilang organisasyon, bagay na itinanggi ng opisyal.
Well, malinaw na naman sa pahayag ni Kuya Nelson na walang korupsiyon sa kanilang grupo.
Isa pa, kumpiyansa at may tiwala pa rin sa liderato ni Kuya Nelson ang mayorya ng mga miyembro ng Eagles.
At iisa lang ang layunin nila at ito ay ang makatulong sa ating bayan at mga kababayan.
Mabuhay po kayo at God bless!