PASIG CITY NAMAHAGI NA NG CASH AID

NAGSIMULA nang magbahay-bahay ang  city government ng Pasig  upang mamahagi ng supplemental cash aid sa mahihirap  na pamilya na hindi nakakuha ng SAP sa national government.

Sinabini Mayor  Vico Sotto ang supplemental SAP  mula sa pamahalaang lungsod ay magkakaloob ng tulong pinansiyal sa may  160,000 pamilya.

“Nagsisimula po ngayon. Pilot run po. House-to-house po ang Pasig supplemental SAP,” pahayag ng alkalde sa Facebook live.

Nagsimula kahapon ang pamimigay ng ayuda sa maliliit na barangay sa lungsod.

Naglaan ng  isang bilyong piso ang pamahalaang lungsod ng Pasig  para sa kanilang supplemental SAP upang matulungan ang mga pamilya  na naapektuhan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.