BATANGAS – MAHIGIT P7 milyon ang donasyong ipinaabot ng Pasig City Government sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto kabuuang P12.5 milyon ang donasyon na kanilang ibinigay, kung saan P7.5 million in cash ang kanilang naipaabot sa 15 bayan ng Batangas.
Kahapong umaga ay may mahabang pila para sa relief goods na isinakay sa 42 mga behikulo na naglalaman ng mga relief goods ang maagang tumulak patungo sa iba’t ibang lugar sa Batangas upang ipamahagi ang iba’t ibang mga ayuda.
Sabi ni Sotto, na ang pagtulong ay pagpapakita ng kagandahang loob sa sinapit ng mga Batangeño na nakatira malapit sa Bulkang Taal. ELMA MORALES
Comments are closed.