PASIG RIVER REHAB SA DENR NA

pasig river

INILIPAT ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pamamahala ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) mula sa Department of Budget and Management.

Base sa Executive Order No. 90 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Agosto 28, 2019,  binabaligtad nito ang Executive Order No. 54 na pinalabas noong 1999.

Sa bagong kautusan ng Pangulong Duterte, magiging chairman ng PRRC ang kalihim ng DENR habang magi­ging co-chairman naman ang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Magsisilbing miyembro ng komis­yon ang mga kalihim o kinatawan ng  Department of Public Works and Highways, DBM, Department of Tourism, Department of Transportation, Department of Finance, Department of Trade and Industry, Department of National Defense, Department of the Interior and Local Government, Department of Human Settlements and Urban Development, Office of the Executive Secretary, at tatlong kinatawan mula sa pribadong sektor na itatalaga ng Pangulo.

Sinabi pa sa kautusan ang mahigpit na pag-uugnayan at pagbabantay ng mga ahensiyang naatasang mangasiwa sa rehabilitasyon ng Pasig River at iba pang major waterways sa Metro Manila upang matiyak na maiwasan ang polusyon.

Pinagagamit naman sa DENR ang lahat ng paraan at available technologies o kagamitan upang maibalik sa dati nitong ganda at kalinisan ang Pasig River. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.