PASIG, TAGUIG BIR HAHATIIN

Erick Balane Finance Insider

HAHATIIN ang distrito ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Pasig City at Taguig City na siyang may pinakamalaking tax collection goal upang higit pa nitong mapag-ibayo ang tax collection drive sa harap ng pinsalang idinudulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kina Makati City-B Regional Director Glen Geraldino na nakasasakop sa Taguig City Revenue District Office at Quezon City-B Regional Director Romulo Aguila, Jr. na may sakop sa RDO Pasig City, may go signal na nina Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III at BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay ang paghahati sa dalawang distrito para maging apat na district office dahil sa lawak ng nasasakupang taxpayers ng mga ito.

Sa pagbawas naman ng limang barangays na nasasakop ng Quezon City South district office at inilipat sa hurisdiksiyon ng Novaliches district office, bahagyang bumaba ang koleksiyon ito.

Paliwanag ni QC-A BIR Regional Director Albin Galanza, sadyang apektado ang koleksiyon ng QC-North dahil ang taxpayers nito ay napunta sa hurisdiksiyon ng Noveliches. Napunta ang halos P5 bilyong koleksiyon sana ng QC-South sa Novaliches. Napunta rin sa Novaliches ang halos P3 bilyong koleksiyon sana ng QC-North matapos na isalin din ang limang barangays na sakop nito para sa Novaliches.

Ayon sa Statistics Division ng BIR National Office, ang paghahati sa mga distrito ng Pasig City at Taguig City ay nilalaman ng Executive Order ni Presidente Rodrigo ‘Digong’ Duterte at may nakalaang budget para sa implementasyon nito.

Inaasahang ipatutupad naman ang paghahati ng district ng Taguig at Makati City para gawing dalawang distrito dahil din sa lawak ng taxpayers na saklaw ng mga ito.

My plano rin na hatiin sa dalawang distrito ang Caloocan district office para maging South and North sa kadahilanang lumobo na ang bilang ng taxpaying public. Ang distrito ay nakasentro lamang sa South Caloocan at hindi napagtutuunan ng pansin ang North Caloocan na mula sa isang district ay hinati na rin sa dalawa bilang North District 1 at North District 3, habang ang North District 2 ay nasa parte ng South Caloocan City.

Una nang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang paghahati sa BIR Makati City at QC regional office para maging apat na tanggapan mula sa dating dalawang regional office lamang.

Nang mahati ito sa apat na regions, ang Makati City-A ay isinailalim sa poder ni Regional Director Maridur Rosario at ang Makati City-B ay hinawakan ni Director Glen Geraldino, samantalang ang QC-A ay inilagay sa poder ni BIR Regional Director Galanza, habang ang QC-B naman ay hinawakan ni Director Aguila.

Panahon ni former BIR Commissioner Kim Henarez nang hatiin ang BIR Pasig district sa dalawang bahagi — Pasig-A at Pasig B. Pag-upo ni Commissioner Billy, ni-revoke ito at muling pinag-isa. Nitong taong ito ay nagdesisyon muli ang BIR sa planong hatiin sa dalawang district ang Pasig City.

Ang paghati naman para gawing dalawang distrito ang Taguig City para maging BIR Taguig at BIR Pateros ay rekomendasyon din ng statistics division ng BIR National Office dahil sa laki ng tax collection goal nito.

Ang dahilan ng hatian ng distrito ng Pasig City at Taguig City, ayon sa paliwanag ni Secretary Sonny, ay upang mag-concentrate sa pagkolekta ng buwis, lalo pa’t mas malaki ang nakaatang na tax collections sa BIR at sa Bureau of Customs (BOC) ngayong fiscal years 2021 hanggang sa huling bahagi ng termino ni Presidente Duterte sa taong 2022.

Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].

2 thoughts on “PASIG, TAGUIG BIR HAHATIIN”

  1. 275843 558747I discovered your internet site web site online and check many of your early posts. Keep on the top notch operate. I just now additional your Feed to my MSN News Reader. Searching for forward to reading considerably more from you finding out later on! 533620

Comments are closed.