ni Riza Zuniga
Tagumpay na naidaos ang dalawang araw na Pasig Writers’ Workshop para sa 11 manunulat na taga-Pasig noong Abril 20 & 21, 2024.
Layon nitong pandayin ang husay ng mga manunulat sa pagbibigay ng ligtas na espasyo. Hinnayaan silang makipagpalitan ng ideya at makarinig ng payo, puna at krisitismo upang mas mapahusay ang kanilang angking talino sa pagsusulat.
Nagkaroon ng pagsasanay at talakayan sa iba’t ibang genre katulad ng tula, nobela, maikling kuwento, sanaysay at kuwentong pambata.
Ilan sa mga nagbahagi ng kaalaman sa pagsusulat ay sina Roy Rene Cagalingan, Tugma’t Sukat May Tuon kay Lope K. Santos; Danim Majerona, Mutya bilang Tagpuan ng Sining at Kultura ng Pasig; Jon Lazam, Experimental Films Up Close & Personal; at Darren Bendanillo, Dula.
Binubuo ng panel na nagbasa at nagbigay ng puna at puri sa mga manunulat sa bawat genre sina Ramil Gulle, Tula, Santolan; Darren Bendanillo, Dula, Caniogan; Robert T. Añonuevo, Tula, Caniogan; Jemaima Robles, Prosa, Rizal Province; Gabriela Baron, Prosa, Manila; Jenilyn Manzon, Tula, Kapasigan; Hannah Leceña, Tula at Prosa, GenSan, Mindanao; at Geromedela Peña, Nobela, Manggahan.
Ang 11 Fellows mula sa iba’t ibang barangay ng Pasig City: Alexandra Jean Garcia, Sta. Lucia; James Russel Bernas, Manggahan; Korinne Mercy Bersada, Bagong Ilog; Pamela Netro, Pinagbuhatan; Maria Ella Betos, Bagong Ilog/Pineda; Christine Banzuela, Manggahan; Bryan Paul Buten, Rosario; Noel Gio Alaurin, Ugong/Palatiw; Brian Anthony Uy, San Antonio; Kriselda Paul, Palatiw; at Justine Marie Fuentes, Pinagbuhatan.
Naisakatuparan ang Pasig Writers Workshop sa kolaborasyon ng Cultural Center of the Philippines at organizers na sina Beverly Wico Sy at mula sa syudad ng Pasig na sina Albert Banico, Darren Bendanillo, Gerome Nicolas Dela Peña, Renzo Prino, Oscar Solapco, Jr., Edbert Costen, Mary Joy Sale, Justine Taño.
Ang mga tulang naisumite sa lupon ay “Lipat-bahay,” “Bakonawa,” “Hotdog,” “Hindi ata Nagagandahan sa Akin si Mama,” Nobela: Panacea; Sanaysay: “Labyrinth ng Bagtasan, “Ang mga Buwan,” “Personal na Karanasan sa Antas ng Kaalaman sa halaga at Wastong Pagboto sa Lokalidad: Eleksyon ng Barangay Rosario,” Kuwentong Pambata: “Titser,” at Maikling Kuwento: “Enero 1989.”
Bilang gabay sa mga manunulat ng Pasig, nagbigay ng payo si Roberto T. Añonuevo, Pambansang Alagad sa Sining (Tula at Sanaysay), na magsaliksik, maging maingat sa paggamit ng panahon, linawin kung ano ang gusto, maging consistent, ayusin ang grammar, at suriin ang ispeling.
“Hindi pwedeng maging alanganin sa panitikan,” pagdadagdag ni Añonuevo sa ikalawang araw ng Pasig Writers Workshop.