PANSAMANTALA isinara ang pasilidad para sa paanakan ng Justice Jose Abad Santos General Hospital dahil puno na ito para sa mga manganganak na pasyente.
Ayon sa pamunuan ng nasabing ospital, simula pa noong Sabado ay itinigil na nila ang pagtanggap ng mga bagong buntis matapos pumalo sa 233% ang kanilang occupancy rate o mahigit pa sa doble ang bilang ng pasyente kumpara sa bed capacity ng ospital.
Pinayuhan ng pagamutan ang mga manganganak na sa ibang ospital muna magtungo lalo na’t wala pa silang nakatakdang araw kung kailan muling tatanggap ng pasyenteng buntis. DWIZ 882
Comments are closed.