BAGAMA’T excited ang karamihan sa atin dahil ilang araw na lamang ay Pasko na, pero sa kabilang banda, marami pa rin sa ating mga kababayan ay mayroong pinagdadaanan – na kahit anong pilit sa sarili na magdiwang sa dapat na masayang panahon na ito, ay natatalo ng lungkot at kabiguan.
Sa kahit anong paraan para iwaksi ang kalungkutan at mga dagok sa buhay, sadyang nangingibabaw sa ilan ang mga trahedyang kanilang pinagdadaanan subalit lagi nating iisipin, na bahagi ito ng realidad ng buhay – ang lungkot at saya.
Marami sa ating mga kababayan ang nawawalan na nang pag-asa – may mga biglaang pangyayari na mahirap tanggapin tulad ng pagkasawi ng sampu sa isang pamilya sa Muntinlupa dahil sa sunog kamakailan lang, hindi makapaghanda ngayong pasko dahil nawalan ng trabaho, na-scam, naloko ng recruiter para makapag-trabaho sa abroad, niloko at iniwan ng asawa, at napakaraming pang dahilan na sadyang nangingibabaw sa kanilang puso at damdamin.
Sa kabila ng lahat ng pagsubok sa buhay, hindi dapat mawala ang pag-ibig at pag-asa – mahirap sa iilang may pinagdadaanan pero ito ang diwa ng Pasko, na isang kolaborasyon ng PAG-IBIG at PAG-ASA.
Narito ang mga mensahe ng ilan sa ating mga kaibigan tungkol sa Pasko:
“Ang Pasko ang isa sa pinakamasayang season nating mga Kristiyano. Ito ‘yung panahon na nakukumpleto ang magkakaibigan, kamag-anak, at pamilya. Ito rin ang panahon na nagpapaalala sa atin na laging magmahal at magbigayan dahil ito ang simbolo ng kabutihan,” mula kay Marky Almazora ng Citystate Properties and Management Corporation (CPMC).
“Pasko sa akin ay ang pagtanaw ng utang na loob sa Maykapal sa lahat ng biyaya at pagsubok na pinagdaanan sa buong taon, pagkilala na kung wala ang dahilan ng Pasko ay wala rin ako at ang aking pamilya sa kinalalagyan ngayon. At, ang epekto ng pagtanaw na ito ay ang magdulot ng kasiyahan sa kapwa lalo na doon sa nangangailangan na makita ang tunay na diwa nito,” ayon Mark Saberola ng ValuePlus Auto Service – The Casa Alternative at Talyer Mentor columnist.
“Para sa akin po, ang Pasko ay simbolo at respeto sa kapanganakan ni Jesus at sa kapwa,” para kay Cheska Itable ng amazingmanilajournal.com
“Christmas is a season of joy, giving and sharing your blessings, and spending time with your loved ones. It’s a season of gratefulness that god sent His only son Jesus Christ to grant us eternal life with Him and remind us of Christmas’s true meaning. Merry Christmas, everyone!” ayon kay Ruby Asoy Lebajo, PR Practitioner.
“Christmas is sharing to one another lalo na sa mga kapatid nating walang-wala. Maliit man o malaki maitulong – panalo!” mula kay Rey Balabag ng Daily Tribune.
“Ang Pasko ay pagbibigay, more of giving than taking giving happiness, sharing blessings and expressing selfless love,” para kay Bingle Pichache-Chuidian ng Philippine Postal Corporation (PhilPost).
“Ang Pasko para sa akin ay panahon ng pagkakapatawaran, pagbibigayan at pagmamahalan. Ito ang panahon na dapat ang lahat ng poot at galit lalo na sa mga kamag-anak ay papawi nang kusa. Yakapan at pagmamano lang sapat na,” mula naman kay Joel Capulong ng Cotton Club.
“Ipinagdiriwang natin ang Pasko upang ipaalala at magsilbing aral na dapat nating siyang tularan. Araw-araw na pagpapatawad at ibahagi ang mabubuting salita ng Diyos sa pmamagitan ng pag-ibig. Pag-ibig na nagbibigay pag-asa sa bawat nilikha, pagsasalu-salo sa araw ng kaniyang pagsilang na kasama ang mga mahal natin sa buhay at pamamahagi ng biyaya na natatanggap natin mula sa taas,” ayon kay Mags Santos ng BusinessMirror.
“Ang Pasko sa akin ay hindi lamang pagbibigayan ng regalo, ito ang panahon na ipinapaalala sa atin ang pagsilang ni Jesus na ang pinakakahulugan ay ang pagbabalik-tanaw sa masayang panahon kung saan ang alitan at hindi pagkakaunawaan ay naaayos –ito ang magic ng Pasko, nangingibabaw ang pagmamahal at kapatawaran. Ito rin ang nagpapa-alala na tayo ay dapat magpasalamat at maging masaya sa buting ibinigay sa atin,” mula kay Ainna Marie Aquino ng INSPI Philippines.
“Ang Pasko ay regalo. Regaling handog sa atin – libre, napakadakila na hindi mabibili at hindi mapapantayan. Ito ang regalo na wagas at walang katumbas na pag-ibig ng Diyos sa atin upang makamit ang kaligtasan at buhay na walang hanggan. John 3:16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kaniyang kaisa-isang Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan,” mula kay Czarina Blancaflor ng BusinessMirror.
“Sa akin, ang Pasko ay pag-alala sa Anak ng Diyos at pagpapanibago ng ating determinasyong taglayin ang Kaniyang pangalan. Ito ang panahon upang muling suriin ang ating buhay, isipan, damdamin at mga kilos. Gawin itong pag-alaala, pasasalamat, at pagpapatawad. Ito ang mensahe ng tunay na diwa ng Pasko sa ating lahat,” saad ni Allan Balmaceda ng cornermagazineph.com.
“P – pasasalamat sa mga biyaya.
A – aruga at pagkilala sa mga mahal sa buhay.
S – selebrasyon kasama pamilya at kaibigan.
K – Kristo sa kaniyang pagsilang.
O – oportunidad na magnilay sa patapos na taon,” para kay Julius Aurelio ng PGNL TV5 International.
“The meaning of Christmas is a time of remembering the Son of God and renewing our determination to bear His name. This is a time to re-evaluate our lives and our thoughts, feelings and actions. Make a time for remembrance, of gratitude and a time of forgiveness. This is the message of true spirit of Christmas,” mula kay Cez Cabiles ng DWIZ / Home Radio.
“Christmas is our expression of Christ, love, and family. I remember when I was young, I am the most excited because I know it’s the start of a long celebration – attend to mass, family reunion and gift-giving,” mula kay Evangeline Flores ng Design Works, Inc.
“As a young competitive girl in the province, Christmas to me was always a week away from the stresses of school – some time to wee away relaxing and not obsessive – compulsively checking and rechecking in my mind if my answers were all correct.”
“Finding love in secondary school meant Christmas to me was a cherry – colored and kilig-filled. A time to know the inner workings of the physical (landi) and psychological aspects of a blooming persona.”
“(But), when tragedy after tragedy struck, Christmas became a bleak reminder of what I had which seemed like I may never have again. Christmas was a whole level of sad because everyone was happy while I was a total wreck,” mula sa tunay na damdamin ni Jing Tiu ng Philippine Star.
Ang Pasko, hindi man masaya para sa iilan, nangingibabaw pa rin ang paniniwala sa tunay na diwa nito – ang pagmamahalan, pagbibigayan at pagkakapatawaran – pag-ibig at pag-asa na handog ng Diyos sa ating lahat. MERRY CHRISTMAS!
Maraming, maraming salamat naman sa mga sumusunod na laging nagpapasaya sa pamilya ng PILIPINO Mirror – Ang Unang Tabloid sa Negosyo tuwing panahon ng kapaskuhan dahil sa mga biyayang ipinagkaloob sa amin: (in no particular order)
Glorious Industrial & Development Corporation
INSPI Philippines
Public Attorney’s Office
University of Perpetual Help – System DALTA
Manila Water Company, Inc.
Maynilad
ProSolutions Management Corporation
Globe Telecom, Inc.
Government Service Insurance System (GSIS)
SM Foundation, Inc.
Ping Ping’s Lechon
SM Retail, Inc.
Heidelberg Philippines, Inc.
Isentia Manila, Inc.
Gifted Minds PR & Marketing Consultancy
Ardent Communications, Inc.
PageOne Group
Isuzu Gencars, Inc.
Full Circle Communications
Mullenlowe Treyna
Office of the Vice Mayor of Pasig City
Cong. Roman T. Romulo
TeaM Energy
Eternal Plans, Inc.
Eternal Gardens Memorial Park Corporation
Landbank of the Philippines
United Laboratories, Inc. (UNILAB)
Robinsons Bank
Gaza General Merchandise
Ms. Ruby Asoy Lebajo
Citystate Properties and Management Corporation (CPMC)
Manila Electric Company (MERALCO)
Media Meter, Inc.
San Miguel Corporation (SMC)
BusinessMirror
Maxicare Healthcare Corporation
Ms. Ana Manansala
Pushpin Inc. (Hotel Sogo & Astrotel)
National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC)
Philippine National Police (PNP)
Jimini Foods, Inc. (PIZZA PEDRICOS)
Local Water Utilities Administration (LWUA)
House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez
Sen. Joel Villanueva
Sen. Sonny Angara
Sen. Nancy Binay
Sen. Alan Cayetano
Sen. JV Ejercito
Sen. Chiz Escudero
Sen. Jinggoy Estrada
Sen. Win Gatchalian
Sen. Bong Go
Sen. Risa Hontiveros
Sen. Imee Marcos
Sen. Grace Poe
Sen. Cynthia Villar
Sen. Mark Villar
City Government of Caloocan
City Government of Las Piñas
City Government of Makati
City Government of Mandaluyong
City Government of Manila
City Government of Parañaque
City Government of Pasay
City Government of Pasig
City Government of San Juan
City Government of Taguig
City Government of Valenzuela.