PASKO NA NAMAN!

edwin eusebio

Kabi-kabilang kasayahan at sama-samang pagdiriwang…

Mga Kristiyano ay nagbubunyi sa kaligayahan.

Minsan isang panahon ay nagkaroon ng katuparan

Nasusulat na may Berbo na isisilang at sasagip sa Sanlibutan.

 

Ipinamalas na halimbawa ng pagsilang ni Hesus

Ang pagpapakumbaba ng Sugo ng Diyos.

Ikinakalat ang mga pangaral ng pag-ibig na lubos

Pagpapakitang ang Materyal… lahat ay malalaos.

 

Ang biyaya aniya ng Diyos Ama ay para sa lahat

Sa kanya ay pantay-pantay mga nilalang niyang ganap

Walang mga Mayayaman at mga Mahihirap…

‘Pag natapos na ang buhay sa Mundo… sa ­langit tayo maghaharap.

 

Kaya nga habang tayo ay may buhay pa rito sa Lupa…

Kailangan laging maging handa at magpakumbaba..

Wala tayong madadala sa paglikas kara-karaka..

Kaya marapat na huwag maging ganid sa pagpapala.

 

Sa larangan ng kalakalan nawa ay manaig ang pagiging patas,

Mga produktong para sa lahat ay mabilis na maikalat

Wala nawang maging sakim at ganid sa Oportunidad

Nang sa gayon ang pagpapala ay maramdaman ng lahat

 

Maligayang Pasko!

 



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.