PASKO NA NAMAN! TARA IPUNIN ANG AGINALDO AT PERANG REGALO!

AskUrBanker

SA MARTES na ang pinakahihintay nating lahat – ang Pasko! Pasko ang isa sa pinakahinihintay na holiday nating lahat.  Ito ang araw ng pagbibigayan at araw rin ng pagmamahalan.  Sa araw ng Pasko, ito rin ang araw kung saan nagkakasama-sama ang ating mga pamilya sa iba’t ibang reunion.  Ito rin ang araw na puro kainan, kasiyahan, at higit sa lahat, ito ang araw kung saan marami tayong regalo na nakukuha.

Ang isang tradisyon tuwing Pasko ay ang pamimigay ng aginaldo.  Ito ay kadalasang ibi­nibigay sa mga inaanak, at sa iba pang mga bata sa pamilya. Bukod sa aginaldo, uso na rin ang pamimigay ng pera bilang pangregalo. Mas praktikal pa nga ito sapagkat mabibili talaga ng mapagbibigyan ang kanyang gusto. Ikaw, bilang isang mambabasa, maaari kang makatanggap ng aginaldo o regalong pera sa nalalapit na Pasko, o ‘di kaya’y may mga anak kang makakakuha ng aginaldo o regalong pera.  Bakit ko natanong?  Alam mo, kung makatatanggap ka ng pera o ‘di kaya’y ang mga anak mo sa nalalapit na Pasko, hindi ba maganda kung iipunin natin ito, kahit ilang porsiyento lamang nito?

Kung gusto mong simulan ang pag-iipon sa pamamagitan ng mga agi­naldo o perang regalong nakuha mo, o ‘di kaya’y gusto mong turuang mag-ipon ang mga anak mong makakakuha ng aginaldo o perang regalo, katulong mo ang AUB para simulan ang pangarap mong makapag-impok para sa kinabukasan.  Ang pinakamagandang hakbang na iyong gawin ay ang pagbubukas ng isang savings account.   Sa pamamagitan ng isang savings account, maaari mong mamonitor ang growth ng iyong savings.  Kikita ka pa ng interes! Sa AUB, may dalawang savings account ka na maaaring buksan.  Ang Starter Savings, na walang maintaining balance at kikita ka pa ng interes kapag umabot na sa P1,000 ang savings mo.  Ang isa naman ay ang Preferred Peso Savings, kung saan may ATM card ka at passbook ka pa sa maliit na maintaining balance lamang.  Pumunta lamang sa kahit anong AUB branch upang makapagtanong pa tungkol dito at makapag-decide ka kung ano ang nararapat na savings account para sa iyo o para sa iyong mga anak.

Pasko ang isa sa mga pagkakataon kung saan marami tayong ginagastos, at ito rin ang isa sa mga panahon kung saan maaari tayong makakuha ng pera. Perang hindi natin pinaghirapan o pinagtrabahuhan, sapagkat ibibigay ito sa atin o sa ating mga anak bilang aginaldo o regalo.  Bihira lamang ang mga ganitong pagkakataon na makakuha ng pera bilang regalo. Baguhin natin ang nakagawian kung saan ang perang ibinigay lamang ay gagastusin agad. Bagkus, iimpok natin ang perang ibinigay sa atin upang ito’y mapalago at magkaroon ng magandang kinabukasan.  Tandaan, sa nalalapit na Pasko, kaagapay mo ang AUB para ika’y makapagsimulang mag-ipon at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Comments are closed.