PASKO: PAGPAPATAWAD AT PAGKAKAISA

SA isang pagtitipon, tinanong ng guest speaker kung ano ang kahulugan ng Pasko.

Sumagot ang audience ng pagbibigayan at pagmamahalan.

Muling nagtanong ang speaker, ano ang magpapasaya sa Pasko.

Bantulot ang ang audience na sumagot pero ang speaker na rin ang nagsalita na ang higit na nagpapasaya ay ang mga regalo, 13th month pay, kabi-kabilang party na mayroon pang pa-raffle.

Totoong ang mga nabanggit ang inaasam ng karamihan at sino naman ang tatanggi sa swerteng dumating kung nabunot sa grand prize, siyempre laking kasiyahan niyon.

Ang regalo kasi ay hango sa inspirasyon na ang Pasko ay pagmamahalan at pagbibigayan, subalit hindi dapat naisasantabi ang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagpapatawad

Ang diwa ng Pasko ay pagkakaisa at hindi lang sa mater­yal na bagay.

 Ipadama natin ang tunay na diwa ng Pasko at iyon ay pagmamahal na hindi nakikita sa materyal na bagay dahil ibinigay ng Dakilang Ama ang kanyang bugtong na Anak upang tubusin ang kasalanan ng sangkatauhan.