Paskong may puso: Christmas gifts na makakasagip sa endangered species

Suportahan ang mga conservation effort para sa Dugong, Pawikan, Philippine Eagle, Cockatoo, Tamaraw, at Philippine Pangolin sa pamamagitan ng pagbili ng merchandise mula sa special “Save From Extinction” collection ng Kultura.

Available sa Save From Extinction kiosks sa piling SM Supermalls

Ngayong Pasko, gawing makabuluhan ang pagbibigay ng regalo sa pamamagitan ng “Save From Extinction” t-shirts at tote bags na bahagi ng fundraising campaign upang masagip ang anim na endangered species. 

Nakipagsanib-pwersa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa SM Supermalls, BDO Unibank, Kultura, Forest Foundation Philippines, Katala Foundation, Philippine Eagle Foundation, World Wide Fund for Nature – Philippines, D’Aboville Foundation, at ang Zoological Society of London – Philippines para sa “Save From Extinction” campaign na layuning makalikom ng pondo upang maligtas ang anim na hayop na natukoy ng DENR na nanganganib nang mawala sa mundo.

Maaring bumili ng t-shirt at tote bags mula sa Kultura na may iba’t ibang disensyo na tampok ang Philippine Eagle, Pawikan, Tamaraw, Cockatoo, Dugong, at Philippine Pangolin para makiisa sa kampanya na may mahalagang paalala para maprotektahan ang buhay ng endangered species.

Pumili mula sa iba’t ibang canvas tote bags at t-shirts na may disenyo ng bawat isa sa anim na endangered species.

Maaari ring suportahan ng publiko ang kampanya sa pamamagitan ng mga donation box na matatagpuan sa “Save From Extinction” kiosks o mag-donate sa pamamagitan ng BDO ATMs, online banking, at over-the-counter sa mga BDO branch nationwide.

Gagamitin ang pondong nalikom mula sa kampanya para suportahan ang conservation projects ng World Wide Fund for Nature Philippines, Philippine Eagle Foundation, Zoological Society of London, D’Aboville Foundation, at Katala Foundation – ang mga pinagkakatiwalaang non-government organization (NGO) partner ng DENR.

Bisitahin ang “Save From Extinction” kiosks sa SM Megamall, SM Mall of Asia, SM North EDSA, SM Aura, at SM Makati hanggang December 31, 2024.

Bisitahin ang “Save From Extinction” special Kultura kiosks sa SM North EDSA, SM Megamall, SM Mall of Asia, SM Aura, at SM Makati hanggang sa katapusan ng Disyembre. Sa 2025, mananatiling available ang “Save From Extinction” merchandise sa mga piling branch ng Kultura.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kampanya, bisitahin ang https://www.smsupermalls.com/save-from-extinction .