MAYNILA – PATOK ang Paskuhan sa University of Santo Tomas habang aabot sa 105,000 ang sumaksi sa Christmas tree lighting at firework display sa nasabing kaganapan noong Biyernes ng gabi.
Ang nasabing bilang ng lumahok ay inanunsiyo mismo ng pamantasan sa pamamagitan ng kanilang Facebook account.
Libo-libong estudyante, professors at alumni ang nakisaya sa selebrasyon na ang tema ay Harry Potter.
Nagliwanag ang Christmas lights at ang higanteng Christmas tree na may taas na 40 feet.
Habang naka-display rin ang nasa 150 belen o nativity scenes para ipaalala ang tunay na diwa ng Pasko.
Umindak at nagsaya ang lahat sa tradisyon na Paskuhan concert kung saan kabilang sa mga nagtanghal ay ang sikat na banda na Ben&Ben. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.