NUEVA ECIJA- DEAD on arrival sa hospital ang isang taong gulang na bata matapos na aksidenteng pumutok ang service firearms ng amang pulis at tinamaan ito sa nasabing lalawigang .
Sa inisyal na report ni LtCol Marlon Cudal ng San Jose City PNP, kararating lamang ng bahay ni Pat. Crisdie Manuel, 33-anyos na nakatalaga sa Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company mula sa duty nang maganap ang insidente.
Nabatid na nag-aayos ito ng gamit at baril sa kanyang motor nang salubungin siyang ng yakap ng anak at biglang pumutok ang cal.9MM na baril nito.
Bunsod nito’y inamin umano ng pulis na napadaan sya sa isang inuman bago umuwi ng kanilang bahay.
Samantala detinido ngayon si Manuel sa San Jose City Jail. THONY ARCENAL