PASLIT DEDO SA GULPI NG MAGULANG

PATAY sa gulpi ng kanyang magulang ang walong taong gulang na batang lalaki matapos na pahirapan na mag-squat sa lungsod ng Pasig.

Sa ulat ni Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya kay BGen. Orlando Yebra Jr., EPD-District Director, kinilala ang mga suspek na sina Germarc Franklin Villadolid y Cousart, stepfather, 39- anyos at Kimberly Villadolid y Mesa, Ina ng biktima, 29 anyos na kapwa call center agents at residente sa Urban Deca Homes, Brgy., Rosario, Pasig .

Ayon sa pulisya, dakong alas-2:55 ng hapon nang mangyari ang brutal na parusa sa biktima sa loob ng kanilang bahay.

Agad namang naisugod ang biktima sa ospital ngunit idineklara itong patay na ni Dr. Peter Joshua Ancheta, batay sa cursory examination sa katawan ng bata ay nagkaroon ito ng hematoma sa hita at braso.

Nabatid pa sa pulisya, pinarusahan ng mga magulang ang bata sa pamamagitan ng pag-squat ngunit hindi na matagalan ng batang biktima ay pinagpapalo ng tsinelas hanggang sa maging unconscious o hirap na sa paghinga ang bata.

Kasong Maltreatment resulting to homicide ang kinakaharap ng mga magulang ng biktima.
ELMA MORALES